_pang-masa
^

Punto Mo

Ang parusa

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MINSAN, nagtalo ang unggoy at tigre. Ang sabi ng unggoy, ang sunflower ay kulay puti pero kinontra ito ng tigre na ang totoong kulay ng sunflower ay dilaw.

“Tanga, dilaw ‘yun.”

“Mas tanga ka, puti ang sunflower!”

Nagkainitan ang dalawa kaya naisipan nilang lumapit sa kanilang Bossing Leon, siya ang makakapagsabi kung ano talaga ang tamang sagot sa pinagtatalunan nila.

Malayo pa lang ang dalawa sa kinauupuang trono ni Bossing Leon ay inumpisahan nang tanungin ng unggoy ang leon.

“Kamahalan, di ba’t ang kulay ng sunflower ay puti?”

“Oo siyang tunay, puti ang kulay ng sunflower.”

Nagpatuloy ang unggoy.

“Kasi po Kamahalang Leon, ‘yang si Tigre ay kanina pa nakikipagtalo sa akin, dilaw daw ang kulay ng sunflower. Pinainit niya ang ulo ko kaya hinihiling ko sa iyo na parusahan mo ang tigreng iyan. Ang tigas ng ulo, ipinagpipilitang dilaw ang kulay ng sunflower.”

Bunga ng reklamo, ipinahayag ni Bossing Leon:

“Ikaw Tigre, simula sa araw na ito ay pinarurusahan ko ng tatlong taong pagtahimik at tinatanggalan ko ng karapatang magsalita sa panahong nabanggit.”

Masayang umalis ang unggoy habang umaawit ng “Puti ang sunflower, puti…puti…puti ang sunflower!”

Tinanggap ng tigre ang kanyang parusa ngunit tinanong niya ang leon.

“Your majesty, bakit mo ako pinarusahan, alam ko, na alam mong dilaw ang kulay ng sunflower.”

“Oo tama ang sinabi mo na dilaw ang kulay ng sunflower.”

“Bakit mo po ako pinarusahan?”

“Ang aking pagpaparusa sa iyo ay walang kinalaman kung dilaw o puti ang sunflower. Pinarusahan kita dahil sa kabila ng katalinuhan mo, nagawa mong makipagtalo sa isang gago at bobong unggoy. Alam mo bang ang pinakamasamang pag-aaksaya ng oras ay makipagtalo sa isang nilalang na walang alam? Kahit anong paliwanag mo sa kanila ay hindi mo mababago ang kanilang opinyon dahil nga wala silang alam. Tapos isasali pa ninyo ako diyan sa walang kuwenta ninyong pagtatalo. Ikaw ang pinarusahan ko dahil ikaw ang may utak sa inyong dalawa pero sumama ka pa sa unggoy na ‘yan  para ako abalahin sa aking pamamahinga.’’

 

MONKEY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with