_pang-masa
^

Punto Mo

Lalaki sa Vietnam, 9 na beses nagparetoke ng mukha dahil hindi makahanap ng trabaho dahil sa kanyang hitsura!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang binatang Vietna-mese ang nagparetoke ng siyam na beses ng buo niyang mukha matapos na ilang beses pagtawanan habang sumasa-ilalim sa job interview dahil sa kanyang hitsura.

Nag-viral sa social media app na TikTok ang 26-anyos na si Do Quyen matapos ipakita ang dati niyang hitsura bago iparetoke ang buong mukha ng siyam na beses.

Ikinagulat ng mga follo-wers ni Quyen ang pagkakai-ba ng kanyang dating hitsura na tila magkaibang tao ang before and after pictures niya.

Sa sobrang paghanga ng mga netizens sa transformation ni Quyen, umabot sa ibang social media platforms ang mga litrato ng binata.

Ayon kay Quyen, nagawa niyang magparetoke dahil ilang beses na siyang nakaranas na mapagtawanan ng employers tuwing siya ay sasailalim sa mga job interview.

Umabot ng $17,400 ang nagastos niya sa siyam na major plastic surgery na rhinosplasty, chin implant, porcelain veneers, lip reshaping, double eyelid surgery at lip implants.

Sa kasalukuyan, nagtatrabaho bilang makeup artist si Quyen sa Saigon, Vietnam.

TIKTOK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with