^

Punto Mo

EDITORYAL - Psychiatric at psychological exams sa police, isagawa na

Pang-masa
EDITORYAL - Psychiatric at psychological exams sa police, isagawa na

NARARAPAT nang suriin ang mental health ng mga pulis dahil sa sunud-sunod na insidente ng pamamaril na ginagawa ng mga miyembro. Hindi na ito dapat ipagwalambahala at baka lumubha pa o dumami ang insidente na ang sangkot ay mga walang muwang na sibilyan.

Gaya ng bagong insidente ng pamamaril na ang sangkot ay isa na namang pulis. Nangyari ang pamamaril sa Manila Police District (MPD) headquarters sa UN Avenue noong nakaraang Biyernes nang mag-amok si M/Sgt. Reynante Dipasupil.

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, lasing na dumating sa HQ si Dipasupil at namaril nang walang habas sa mga departmento na kanyang dinaanan kung saan isang pulis ang napatay. Napatay naman si Dipasupil ng mga rumespondeng SWAT.

Sabi ni Eleazar, ang ginawa ni Dipasupil at pati na rin ang mga nangyari sa nakaraan kung saan pawang namaril ang mga pulis ay nararapat nang magkaroon nang pagsusuri sa mental health ng mga miyembro. Ayon kay Eleazar, kailangan ang psychia­tric at psychological examinations sa police officers tuwing ikatlong taon.

Nararapat ang psychiatric at psychological exa­minations sa mga pulis at kung maaari, gawin ito taun-taon. Kung tatlong taon ang psychological tests gaya ng panukala ni Eleazar, masyado itong matagal.

Noong nakaraang buwan, isang lasing na pulis ang bumaril at nakapatay sa kanyang kapitbahay na babae. Ang pulis ay si Master Sgt. Hensie Zinampan ng Police Security and Protection Group. Ang binaril niya ay si Lilybeth Valdez, 52, ng Sitio Ruby, Bgy. Greater Fairview, Quezon City.

Noong Disyembre 20, 2020, binaril din ng pulis na si MSgt. Jonel Nuezca ang mag-inang Sonia at Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Nag-ugat ang pamamaril dahil sa pagpapaputok ng boga ng biktima.

Kamakailan lang, binaril at napatay nina Cpl. Sherwin Rebot at Cpl. Harold Mendoza ang kasamahang si Cpl. Higinio Wayan, pawang naka-assign sa Police Security and Protection Group. Ang pagpatay ay nag-ugat nang talunin ni Wayan sa bunong braso si Rebot.

Nasa panganib ang mamamayan kapag hindi na-monitor ang estado ng pag-iisip ng mga pulis. Regular na psychiatric at psychological examinations ang nararapat sa mga ito. Huwag nang hintaying lumala pa.

vuukle comment

HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with