^

Punto Mo

EDITORYAL - Bakit wala pang body cameras ang mga pulis?

Pang-masa
EDITORYAL - Bakit wala pang body cameras ang mga pulis?

ANO kaya ang dahilan at hanggang ngayon ay wala pang body cameras ang mga pulis? Maraming nag-akala na pagkaraang ilunsad ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guil-lermo Eleazar ang body cameras noong nakaraang Hunyo 4 sa Camp Crame ay gagamitin na ito ng mga pulis. Binanggit ng PNP chief na gagamitin ang body camera sa anti-drug operations, pagsisilbi ng warrant, pag-rescue at sa mga checkpoint.

Pero hanggang ngayon, wala pang body cameras    ang mga pulis. Paano kung mayroon na naman silang drug operations at lumaban ang mga suspect. Paano kung magsisilbi ng warrant at lumaban ang sisilbihan? Paano ito mapatutunayan? Nasaan ang ebidensiya?

Gaya nang nangyari nang mapatay ng 10 pulis ang drug suspect sa Bgy. Canlalay, Binan, Laguna noong Hunyo 16. Isisilbi umano ang warrant sa suspect na si Antonio Dalit pero lumaban daw. Pati ang kasamang menor-de-edad na suspect na si Jhondy Maglinte ay napatay din. Pero sabi ng mga witness, nakaposas na sina Dalit at Maglinte nang pagbabarilin.

Ayon sa mga kaanak ng teenager na si Maglinte,  sadya itong pinatay ng mga pulis para hindi na makates-tigo sa nangyari. Nakadapa umano si Maglinte sa putikan nang matagpuan at may mga tama ng bala sa likod.

Nanindigan naman ang mga pulis na lumaban ang dalawa. Noong Miyerkules, natukoy na kung sinong pulis ang bumaril kay Maglinte.

Kung ginamit ng mga pulis ang body cameras sa pagsisilbi ng warrant, wala na silang ipaliliwanag sapagkat makikita kung lumaban nga ang suspect na si Dalit at ang kasamang teenager. Lahat nang nangyari ay nakarekord. Hindi makapagsisinunga-ling ang mga operatiba sakali’t may mga kabalbalang naganap. Pero dahil walang body cameras, nahaharap ang 10 pulis sa imbestigasyon.

Ganito rin ang nangyari sa tinedyer na si Edwin Arnigo ng Valenzuela City kamakailan. Apat na pulis ang sangkot sa pagpatay. Sabi ng mga pulis. nang-agaw daw ng baril ni Arnigo at nabaril ito.

Noong 2017, pinatay ng mga pulis ang 17-anyos na si Kian delos Santos sa Caloocan City. Nagkaroon ng drug operations sa lugar at nadamay si Kian. Ang pagpatay kay Kian ang naging daan para ipanukala ang body cameras ng mga pulis.

Gamitin na ang body cameras para malantad ang tunay na nangyari. Kung may body cams, matitigil na ang alibi na lumaban ang suspect.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with