^

Punto Mo

Kakaibang Eba (106)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“WALA na rito si Mariz, Sir. Nag-resign na po siya,’’ sabi ng babaing staff sa HR department ng kompanya nina Mariz.

“Kailan pa po siya nag-resign Mam?’’

“Mga tatlong buwan na po ang nakararaan.’’

“Puwede ko bang malaman ang dahilan kaya siya nagbitiw.’’

“Personal problem daw, Sir. Liban doon wala na siyang ibang sinabi.’’

“Puwede ko bang malaman kung may kontak pa kayo sa kanya hanggang sa mga oras na ito.’’

“Wala na po Sir. Pero puwede ko pong ibigay ang address niya sa Pasay na dati niyang tirahan. I-try n’yo kung naroon siya.’’

“No, thanks. Nanggaling na ako sa Pasay at wala na nga siya roon.’’

“Ow sorry Sir.’’

“Salamat Miss.’’

Nagpaalam na si Piolo.

Habang palabas siya ng HR ay nababanas siya dahil nauubos ang oras niya sa paghahanap kay Mariz.

Hindi naman niya puwedeng hindi sundin ang kanyang mama. Matanda na ang kanyang mama at hindi na niya ito kayang suwayin sa kahilingan o pinag-uutos.

Pero bakit kaya si Manong Berto ay nagsabing sundin ko si Mama. Hanapin ko raw si Mariz. Bakita kaya?

Kailangang malaman    niya kung bakit nasabi iyon ni Manong Berto.

Maaaring may nasi-sense si Manong Berto kay Mariz, gaya rin ng matinding pagkagusto ng kanyang mama.

Para bang gustong sabihin ng kanyang mama na si Mariz ang kakaibang Eba.

Kailangang makausap niya si Manong Berto ukol kay Mariz. Baka mayroon itong nalalaman. (Itutuloy)

 

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with