Karma

KAMING magkakaklase noong college ay may communication pa rin hanggang sa kasalukuyan. Noong November 2016, napagkasunduan naming magpameryenda sa matatandang residente ng nursing home na matatagpuan sa Antipolo. Bale iyon ang sama-sama naming birthday celebration na kinabibilangan ng November at December celebrators.

Natuloy ang pameryenda at gift-giving sa matatanda ngunit hindi ako nakadalo dahil sa isang matinding kadahilanan. Hindi rin ako nakapagbigay ng contribution. Isa sa mga natutuhan ko sa aming matatandang kamag-anak, kapag nag-commit ka sa isang bagay lalo na’t ito ay tungkol sa pagkakawanggawa, gumawa ka ng paraan na ito ay iyong matupad.

Ayaw nang tanggapin ng mga kaklase ko ang late cash contribution ko kaya naisip kong i-donate na lang ang cash sa mismong nursing home. Mayroon silang website kung saan naroon ang instruction kung paano magpadala ng cash donation sa pamamagitan ng banko. Nakahinga ako nang maluwag nang makatanggap ako ng response na natanggap na nila ang donation ko. Lumipas ang  mga araw, nakalimutan ko na iyon. Pagsapit ng 2016 Christmas Party, nanalo ng 10,000 cash ang mister ko.

Noong 1984, pinagbentahan kami ng aming boss ng isang booklet na raffle ticket worth P400. Ang kikitain ay gagamitin sa feeding program para sa mga batang malnourished. Noong panahong iyon, ang suweldo ko ay P1,600. Isang kinsenas ay P800. Ang kalahati ng suweldo ko sa isang kinsenas ay napapunta sa raffle ticket.

Mahiyain akong magbenta lalo na at raffle ticket kaya binayaran ko na lang ito. Mabigat makaltasan ng P400 noong mga panahong iyon. Pambayad na iyon sa boarding house. Pagsapit ng raffle draw, nanalo ako ng P500 cash. Ako lang ang nanalo sa aming department. Nabawi ko na ang P400, may tubo pang P100.

People with lower incomes tend to give a greater percentage of their incomes to help others and show greater empathy and compassion – perhaps because they know they might face the same circumstances. — Kavita Ramdas

 

Show comments