_pang-masa
^

Maari bang makuha ang last pay kahit nag-AWOL sa trabaho?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - May 23, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

First time ko lang po magtrabaho kaya basta na lang akong hindi pumasok nang pinahirapan po ako ng supervisor ko sa pagpapa-file ng resignation. Sinabihan na lang po ako thru text na considered “AWOL” daw ako. Maari ko pa rin bang makuha ang last pay ko kahit hindi ako pormal na nag-resign? — Ren

Dear Ren,

Maari mo pa ring makuha ang final pay mo  alinsunod sa Labor Advisory No. 06 Series of 2020. Ayon sa nasabing Labor Advisory mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang final pay ay tumutukoy sa lahat ng sahod o benepisyo na nararapat na matanggap ng isang dating empleyado, anuman ang dahilan ng kanyang pag-alis sa kanyang employer.

Ang final pay kasi ay binubuo ng kompensasyon para sa serbisyong naibigay mo na sa iyong employer, kaya hindi na ito maaring ipagkait sa iyo anuman ang dahilan ng pag-alis mo sa trabaho.

Gayunpaman, karapatan din ng mga employer na magtalaga ng makatuwirang proseso para sa clearance ng mga empleyadong umalis na sa kompanya. Kinikilala rin ng batas ang karapatan ng employer na bawasan ang final pay ng isang empleyado sakaling may naiwan pa siyang utang o obligasyon.

Sa ganyang mga pagkakataon, kailangang bayaran muna ng empleyado ang kanyang utang o panagutan ang kanyang obligasyon bago niya matanggap ang kanyang final pay.

Maari ka ring papanagutin sa iyong ginawang pag-AWOL lalo na kung hindi naging alinsunod sa iyong employment contract  ang paraan ng pagbibigay mo ng notice of resignation sa iyong employer at nagdulot ng pinsala sa kompanya ang biglang hindi mo pagpasok. Sa ganyang pagkakataon ay maaring i-withhold sa iyo ang iyong final pay, depende sa halaga ng pinsala na idinulot ng iyong pag-AWOL.

Sa madaling sabi, may karapatan ka pa rin sa final pay mo kahit ikaw ay nag-AWOL ngunit maari itong mabawasan kung may utang o obligasyon kang hindi pa nababayaran sa iyong employer. Maari ring papanagutin sa final pay mo ang halaga ng pinsalang idinulot ng iyong ginawang pag-AWOL.

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with