^

Punto Mo

Kakaibang Eba (76)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MABAIT ang pinsang nurse ni Piolo na si Joy. Matagal na rin itong nurse sa isang government hospital sa Riyadh. Doon na ito nakapag-asawa ng isa ring nurse.

“Malapit lang dito sa ospital namin ang Riyadh Militay Hospital  o ang Riyadh-Al-Kharj Hospital.’’

“Talaga Joy?’’

‘‘Oo Kuya. May mga kaibigan kaming nurse doon.’’

“Salamat naman kung ganun, Joy sana matulungan mo akong mahanap itong si Maria Celia.’’

“Ehem ito bang babaing ito ang nagpatibok sa puso mo Kuya?’’

“Hindi naman Joy pero baka mapunta rin doon…he-he-he!’’

“Wow makakapag-asawa na ang pinsan ko. Tama yan para dumami ang lahi nating maganda at guwapo, he-he-he !’’

“Oo nga. Sana nga matulungan mo ako. Siguro maganda ang babaing ito ano, Kuya?’’

“Oo, maganda siya.’’

“Sige at ha-hanapin ko siya sa RMH.’’

“Salamat Joy.’’

‘‘Siyanga pala Kuya, anong apelyido ni Maria Celia?’’

“Hindi ko alam ang apel­yido, Joy. Saka ko na lang ipaliliwanag sa iyo kung bakit.’’

“Si Kuya talaga paano ko makikita si Maria Celia kung walang apelyido. At saka baka maraming Maria Celia sa RMH.’’

‘‘Gumawa ka ng paraan Joy. Basta Maria Celia ang name niya. Maganda siya, pang-Miss Universe ang mukha at katawan.’’

“Sige ako nang bahala Kuya kahit medyo mahirap itong pinagagawa mo.’’

“Salamat Joy.’’

LUMIPAS ang apat na araw bago nakakuha ng kasagutan si Piolo mula sa pinsang si Joy.

Nanlumo si Piolo sa balita ni Joy.

‘‘Kuya, walang Maria Celia sa RMH. Tatlong araw akong naghanap. Wala talaga. Baka hindi sa RMH nagtatrabaho si Maria Celia.’’

“Baka lumipat na siya ng ospital ano Joy?”

“Posible, Kuya.’’

 (Itutuloy)

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with