^

Punto Mo

Kakaibiang Eba (73)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MARAMING katanungan na naglaro sa isipan ni Piolo tungkol kay Maria Celia. Posible kayang si Maria Celia at ang engkanto ay iisa?

Binalikan niya ang mga naging pag-uusap nila ni Maria Celia sa phone noon. Bakit ayaw nitong ipaalam ang tirahan kahit pinipilit niyang itanong noon? At bakit din gusto nitong mag-usap sila tuwing alas dose ng hatinggabi? Nagtaka rin siya nang ipangako nito na ipadadala ang mga kuhang retrato sa Saudi na nagpapatunay na naroon siya ng araw na nakita umano sa Ayala pero wala naman siyang natangap. Parang nilalansi lang siya ni Maria Celia. At isa pang napansin niya rito nang una silang magkaharap makaraan niyang habulin sa loob ng isang mall ay hindi ito makatingin nang deretso. Hindi makatingin sa kanya. At kung nahuhuli man niyang nakatingin ito sa kanya ay parang ini-screen ang pagkatao niya.

Ganuna ang napansin niya kaya nagkakaroon siya ng hinala na si Maria Celia at ang engkanto sa Ayala ay iisa.

 

KINABUKASAN, kinontak niya si Manong Berto. Nakiusap siya rito na magkita sila. Importante lang. Pumayag si Manong Berto. Sa bahay nina Piolo sila magkikita.

Eksakto alas siyete ng umaga, dumating si Manong Berto. Naroon ang mama ni Piolo.

‘‘Ano ang problema, Piolo?’’ malumanay na tanong ni Manong Berto.

Ikinuwento ni Piolo ang nangyari. Nakarinig siya ng humahalakhak sa phone makaraang tawagan si Maria Celia.

Pati ang mga kakaibang tunog na narinig ay sinabi rin niya kay Manong. At sinabi niya ang kutob na baka si Maria Celia at ang engkanto ay iisa.

Nag-isip si Manong Berto.

At saka nagtanong: “Alam mo ba kung saan ang bahay ni Maria Celia?’’

“Hindi Manong.’’

“Kung malalaman natin ang bahay niya, saka ko masasagot ang tanong mo kung si Maria Celia at ang engkanto ay iisa.’’

“Palagay ko mahirap matagpuan ang address niya Manong.’’

“Hanapin mo kaya sa Facebook o kung saan puwedeng makita. Baka puwedeng tawagan sa Saudi Arabia. Di ba nurse siya?’’

“Oo Manong. Nurse siya sa Riyadh Military Hospital.’’

“Subukan mong mag-research at baka sakali malaman natin ang totoo. Malay mo totoo ang kutob mo.’’

“Sige Manong. Magre-research ako.’’(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with