^

Punto Mo

Kakaibang Eba (69)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI makapaniwala sina Piolo at Jigo sa nakita. Pawang abo ang nakita nila sa mismong kinatatayuan ng punong balete. Sabi sa kanila kahapon ni Manong Berto, nalagas lang ang mga dahon ng balete. Maaaring hindi alam ni Manong Berto na naging abo na ang balete.

“Bakit kaya naging abo, Jigo?’’

“Si Manong Berto ang makakasagot niyan. Ipaalam natin sa kanya, Piolo.’’

‘‘Oo. Tatawagan ko siya mamaya.’’

“Pero ang mahalaga, Piolo, wala na talaga ang balete rito at naging abo na. Hindi kaya naging abo na rin ang engkanto?’’

“Posible. Pero natatanda-an kong sabi ni Manong Berto, lumilipat lang daw ng tirahan. Ang masaklap ay baka sa malapit lang dito lumipat ang engkanto.’’

Nasa ganoong pag-uusap sina Piolo at Jigo nang lapitan sila ng sekyu na nakilala rin ni Manong Berto kahapon.

‘‘May engkanto diyan mga parekoy. Pero napaalis na ni Manong Berto. Nakausap ko siya kahapon,’’ sabi ng sekyu.

“A ikaw ‘yung ikinuwento niya sa amin,’’ sabi ni Piolo.

‘‘Kilala n’yo si Manong Berto?’’

“Oo. Kaibigan namin siya.’’

“Marami ang nagpapasalamat sa kanya. Pati mga kasamahan kong guard. Kasi nabiktima na kami ng engkanto. Mabuti at naglaho na ang engkantong yun.’’

“Paano n’yo nalamang naglaho na?’’

‘‘Nasunog kagabi yan. At habang nasusunog may naririnig kaming ungol. Para bang ungol na gustong makalabas pero hindi magawa. Hanggang sa maging abo na ang balete.’’

“Sa palagay mo kasama na sa abong ito ang engkanto?’’

“Palagay ko. Balak ko ngang kumuha ng abo para remembrance,’’ sabi ng guard.

Kinabahan si Piolo sa sinabi ng guard na balak itong kumuha ng abo nang nasunog na balete.

Sasabihan sana niya na huwag kumuha pero dali-dali na itong nagbalik sa puwesto. (Itutuloy)

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with