_pang-masa
^

Sino ang magiging hepe ng TCDS ng PNP?

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

CONGRATULATIONS Gen. Guillermo Eleazar Sir!

Sa pag-upo ni Eleazar sa trono ng Philippine National Police, may mababakanteng puwesto na naman sa Command Group at ‘yan ay ang The Chief of Directorial Staff (TCDS) o ang No. 4-man ng PNP. Matapos ianunsiyo ang paghirang ni Eleazar bilang kapalit ni outgoing PNP chief Gen. Debold Sinas, nakatuon ang atensiyon ng mga kosa ko sa Camp Crame dito sa labanan sa pagka-TCDS.

Sa pag-promote kay Eleazar, matik na aakyat ng puwesto sina Lt. Gen’s. Joselito de Vera, at Israel Ephraim Dickson, bilang Deputy Chief for Administration at Deputy Chief for Operations, respectively. Si Eleazar ay magreretiro sa Nov. 13. Kaya kung sino man ang mapiling uupo sa TCDS ay may malaking tsansa na papalitan niya si Eleazar.

Namo-monitor naman ng mga kosa ko kung sinu-sino ang kandidato sa pagka-TCDS habang patapos na ang termino ni President Digong. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Kayo mga kosa sino ang manok n’yo sa pagka-TCDS, o bastonero ng PNP?

Kung sa pagpili kay Eleazar ay karapatan lang ni President Digong bilang Commander-in-Chief ng PNP, dito sa paghirang ng bagong TCDS ay maaaring makikialam din siya. Kaya ang final say ay ang Palasyo kung gagawin nilang preparasyon itong TCDS sa papalit kay Eleazar.

Siguro naman alam n’yo na mga kosa kung sino ang “bata” o “tando-tando” ni President Digong? ‘Ika nga, wala nang sagabal pa kung si President Digong ang mamili dahil ambisyon na ito ng manok niya kahit bagong upo pa lang ang una. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya lang magkakaroon ng bagong twist sa sitwasyon kapag mapilit na tumakbo bilang presidente si Davao City Mayor Sara Duterte dahil madadagdagan ng dalawa ang kandidato na papalit kay Eleazar. Araguuyyyy!

Ang senaryo kasi mga kosa, baka masiko ang manok ni President Digong kapag humirit si Inday Sara na kanya ang PNP chief para siguraduhin na hindi siya madadaya sa darating na 2022 elections. Puwede, di ba mga kosa? Kaya puwede rin na sa ngayon pa lang iupo na ang peborit ni Inday Sara bilang TCDS bilang preparasyon. Araguuyyyy! Hak hak hak!

Ang na-monitor ng mga kosa ko ay naggapangan na ang mga opisyales ng PNP para maiupo sila bilang TCDS. Hehehe! Kung sino ang may gasgas sa siko at tuhod, aba sila na ‘yon. Ano sa tingin mo Sen. Bong Go Sir?

Pinasalamatan naman ni Eleazar sina President Digong at Interior Sec. Eduardo Año sa pagpili sa kanya na kapalit ng kaklase niyang si Sinas, na magreretiro (56 years old) na sa birthday niya bukas. Sina Eleazar at Sinas ay miyembro ng PMA Hinirang Class of  ‘87. Buong puso naman na tinanggap ni Eleazar ang hamon sa kanya na pamunuan ang 221,000-strong PNP at nangako siyang isssulong ang mga programa para sa katahimikan ng Pinas sa panahon ng pandemya.

Sa paghirang kay Eleazar bilang bagong PNP chief, aba inulan ang social media ng litrato niya kapiling ang mga Pinoy sa lahat ng sektor ng lipunan. Sa ilang minuto pa lang na inilabas ang appointment niya, aba halos 500 congratulatory text messages din ang natanggap niya. Kaya tama lang ang taguri na «people’s choice» si Eleazar, di ba mga kosa? Abangan!

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with