^

Punto Mo

Treasure hunter, nakatagpo ng limpak-limpak na salapi sa ilalim ng sahig ng isang lumang bahay!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pamilya sa Massachusetts, USA ang umupa ng serbisyo mula sa isang professional treasure hunter upang imbestigahan ang kanilang tahanan na may usap-usapang may nakatago raw na kayamanan dito.

Bata pa lamang si Karen, ang kasalukuyang nagmamay-ari ng tahanan, nakakarinig na siya ng mga tsismis na may itinagong kayamanan ang kanyang yumaong lolo sa kanilang bahay. Ang tsismis na ito ang dahilan kaya nagdadalawang isip siya na ipagbili ang bahay dahil umaasa siya na totoo ang tungkol sa kayamanan.

Nitong mga nakaraang taon, maraming beses na siyang umupa ng mga karpintero para inspeksyunin ang mga ding­ding at sahig pero wala silang nakitang kayamanan.

Nang mabalitaan ni Karen ang tungkol sa treasure hunter na si Keith Wille agad niya itong kinontak para hanapin ang kayamanan. Gamit ang metal detector at endoscopic camera, natuklasan agad ni Wille sa loob lamang ng isang araw na paghahanap ang kayamanan.

Natagpuan niya ang isang metal box sa ilalim ng sahig sa attic. Ang laman nito ay ilang bungkos ng pera na nagkakahalaga ng $46,000 at ilang bungkos ng silver certificate. Sa tingin ng treasure hunter, 1950s itinago ng lolo ni Karen ang mga salapi base sa serial number ng mga natagpuang dollar bills.

Sa kasalukuyan, ipinapa-appraise ng pamilya nina Karen kung magkano ang halaga ngayon ng natagpuang kayamanan. Hindi pa nila alam kung anong gagawin sa perang makukuha nila pero ang mas mahalaga para sa kanya ay nasagot na ang matagal niyang tanong kung may kayamanan ba na nakatago sa bahay kung saan siya ipinanganak at lumaki.

vuukle comment

TREASURE HUNTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with