^

Punto Mo

Mga ‘lutang’ na miyembro ng CPP-NPA, hinuhubaran na!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KUMAKALAP ng ebidensiya ang pulisya at militar laban sa mga miyembro ng CPP-NPA na kung tawagin nila ay “lutang” o nasa white area. Sinabi ng intelligence community na ang mga nasa white area ay kalimitan mga pulitiko o ‘yung madalas magsalita pabor sa CPP-NPA at kung kumprontahin ay deny to death sila na kasapi ng kilusan.

Ang pulisya at militar ay kasalukuyang kumukuha ng testimonies o statements ng mga sumukong rebelde para mahubaran ang mga miyembro ng CPP-NPA, na ang akala ay nasa showbiz sila dahil puro denial sila. At kapag may nakalap na ebidensiya ang mga ahente ng gobyerno, aba umaatikabong kaso ang haharapin nitong mga nasa white area, di ba mga kosa? Araguuyyyy! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kung sabagay, may katwirang magyabang itong si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na matagumpay ang kampanya nila laban sa CPP-NPA, alinsunod sa kautusan ni President Digong, dahil sunod-sunod na itong pagsuko ng mga nagising na miyembro ng CPP-NPA.

Sa katunayan, may programa bukas sa Camp Vicente Lim sa Laguna kung saan pormal na tatanggapin ni Sinas at mga opisyales ng PNP at militar ang mga sumukong hardcore CPP-NPA sa Calabarzon area. Maliban kay Sinas, kasama sa sasalubong sa mga sumukong rebelde ay sina CIDG director Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro at Calabarzon police director Brig. Gen. Felipe «Pipoy» Natividad at mga military officers.

Ang mga sumukong rebelde ay tatanggap ng biyaya sa gobyerno sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (e-clip) kung saan bibigyan sila ng livelihood at ang may dalang armas naman ay may kaakibat na pabuya. Isasailalim din sila sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC). Araguuyyyyy! Hak hak hak!

Iniiwan na ng mga bataan niya si CPP founder Jose Ma. Sison ah! Mismoooooo!

Kaya naman nagbabaan sa bundok at naglutangan itong mga naligaw ng landas nating kababayan ay dahil ayaw nila malasap ang mapait na sinapit ng kanilang siyam na kasamahan na natigok sa malawakang operation nitong nakaraang buwan. Kung sabagay, mahirap na ang kalagayan nila sa bundok kaya hindi na pumapasok sa kanilang isipan ang mga matamis na propaganda ng CPP-NPA dahil sa sobrang gutom. Kaya nga tinawag ni Sinas na «Victory Sunday» ang operation sa Calabarzon dahil naging ugat ito sa pagsuko ng mga natauhang miyembro ng CPP-NPA, di ba mga kosa? Mismooooo!

Sa totoo lang, hindi lang naman sa Calabarzon nagulpi ang CPP-NPA kundi maging sa Tapaz, Capiz at sa Calinog, Iloilo kung saan 11 sa kanilang harcore members ang nalagas. Matapos ang engkuwentro noong Dec. 30, 2020, umabot na sa 427 sa kanilang mga kasama ang sumuko at nag-avail sa Balik-Loob na programa ng gobyerno. ‘Ika nga, naniniwala na sila na seryoso si President Digong na tumulong sa kanila para mabalik sila sa mainstream ng society. Get’s n’yo mga kosa?

Na-rescue din ng PNP ang mga kabataan na tini-training ng CPP-NPA na maging kadre sa Cebu kaya mukhang nasa tamang landas si President Digong na wakasan na ang problema ng komunismo bago siya bumaba sa 2022. Araguuyyyy! Abangan!

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with