^

Bagong tuklas na insekto, pinangalanang ‘twitter’ matapos madiskubre sa isang tweet

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 22, 2021 - 12:00am

PINANGALANAN ng isang team ng mga Japanese at Austrian researchers ang bagong tuklas na mite species na “Ameronothrus twitter”.

Ipinangalan nila sa sikat na social media platform ang bagong tuklas na specie matapos  nilang madiskubre ito mula sa mga litrato na pinost ni Takamasa Nemoto, isang Japanese amateur photographer sa Twitter.

Nangingisda sa Choshi port sa Chiba prefecture si Nemoto nang mapansin niya ang kakaibang insekto na namugad sa metal parking blocks sa pier. Dahil isa siyang insect enthusiast, kinuhanan niya ito ng litrato at pinost agad niya ito sa kanyang Twitter account.

Ayon sa head researcher na si Satoshi Shimano, natutuwa siya na hindi lamang nagagamit bilang libangan ang social media kundi, nakakatulong na rin ito sa mabusising pagdiskubre ng mga bagong species.

Ang co-researcher naman niya na Tobial Pfingstl ay humanga na sa panahon ng social media, nakakatuklas ng mga bagong species ang mga pangkaraniwang tao tulad ni Nemoto.

TWITTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with