10 world leaders na abusado sa kanilang staff (Part 2)

Lyndon Johnson, 36th President of the United States, mula 1963 hanggang 1969.

Siya ang Bise Presidente nang pumanaw si Kennedy kaya nang maging Presidente, sa ayaw niya at sa gusto, sinalo niya ang napakaraming problema kagaya ng Vietnam War. Kaya lang, sa pagkakataong ito, minalas din ang mamamayan ng United States sa pagkakaroon ng “jerk” na Presidente.

Sa harap ng kanyang staff at reporters ng White House, ilang beses niyang ginawa na hinugot niya ang kanyang penis mula sa kanyang pantalon para ipakita kung gaano ito kalaki. May pagkakataon pa na tumatawag siya ng meeting habang dumudumi sa toilet. Napipilitang makipagmiting ang mga tao sa loob ng kubeta habang nasasaksihan nila ang pag-ire ng presidente.

Habang nakasakay sa Air Force One at sumasagot sa interview ng mga reporters na kasama sa eroplano, bigla niyang hinubad ang kanyang suot na pang-itaas at pantalon. Hindi niya itinigil ang news conference. Tuluy-tuloy lang ang kanyang pagsasalita habang brief lang ang suot. Mainit daw kasi.

Benjamin Netanhayu, kasalukuyang Prime Minister ng Israel.

Hindi siya ang nang-aabuso ng household staff kundi ang kanyang asawang si Sara Netanhayu. Bukod sa verbal abuse na naranasan ng housekeeper na taga-France, pinagbawalan siyang kumain at uminom kung oras ito ng kanyang trabaho. Makailang beses siyang nagbibihis ng damit sa maghapon dahil iyon ang gusto ni Madam. Marami pang detalyadong pang-aabuso ang iniharap sa korte at ang mga ito ay napatunayang totoo. Pera ng gobyerno at hindi pera ng mga Netanhayu ang ipinambayad sa naaping household staff.

Show comments