^

Mahabang ngipin na nabunot sa isang bata sa Canada, nakatanggap ng Guinness Record!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - April 10, 2021 - 12:00am

ISANG batang lalaki mula Canada ang naging Guinness World Record holder matapos siyang mabunutan ng ngipin na may habang mahigit isang pulgada!

Noong nakaraang linggo, nakatanggap ng mensahe mula Guinness ang siyam na taong gulang na si Luke Boulton ng Peterborough, Ontario Canada na ang kanyang ngipin na nabunot ni Dr. Chris McArthur ng Liftlock Family Dentistry ay hinirang na pinakamahabang ngipin na binunot sa buong mundo.

Ayon sa pamilya ng bata, nabunot ang ngipin noon pang Setyembre 2019 ngunit nito lamang nakaraang linggo sila nasabihan na kinikilala na ng Guinness ang ngipin ni Luke para sa world record.

Nagsimula lamang sa biruan ng pamilya na dapat kila-lanin bilang world record ang mahabang ngipin ni Luke at sa kalaunan nga ay naghain na sila ng aplikasyon para rito.

Sa kasalukuyan, hinihintay na ni Luke at kanyang pamilya ang certificate mula sa Guinness at inihahanda na nila ang pagdidispleyan nito sa living room ng kanilang tahanan.

GUINNESS WORLD RECORD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with