^

Punto Mo

Kakaibang Eba (34)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KAHIT kailan hindi ako nagpupunta sa Ayala Avenue. Nagkakamali ka Piolo! Baka hindi ako ang nakita mo na may kasamang lalaki sa Ayala Avenue,” sabi ni Mariz na halos paiyak na sa pagpapaliwanag.

“Hindi pa malabo ang mga mata ko, Mariz. Ikaw ang nakita kong may kasamang la-laki at halos naka-yakap ka na habang kayo ay naglalakad.’’

“Maniwala ka sa akin, Piolo. Hindi ako nagpupunta sa Ayala Avenue. At wala akong ibang karelasyong la-laki kundi ikaw lamang Piolo. Maniwala ka sa akin!’’

“Lalo mo lamang akong ginagalit, Mariz. Hindi ka lamang pala double crosser kundi sinungaling ka rin pala. Ubod ka ng sinungaling, Mariz. Kaya huwag ka nang magpaliwanag pa sapagkat bistado na kita.’’

“Puwede mo bang sabihin kung kailan mo ako nakita sa Ayala Avenue, Piolo. Anong petsa mo ako nakita at anong oras?’’

‘‘Hindi na kailangang s­abihin ko pa kung kailan kita nakita o anong oras, basta ang mahalaga ay nakita ko kayo ng lalaki mo, tapos!’’

“Bakit hindi mo ako bigyan ng pagkakataong magpaliwanag? Paano ko maipagtatanggol ang sarili sa mga paratang mo? Maari kong patunayan na wala ako sa Ayala Avenue ng araw na sinasabi mong nakita ako.’’

‘‘Hindi na! Basta bistado na kita at tapos na sa atin ang lahat. Hindi mo na ako kayang bilugin ang ulo.’’

‘‘Unfair ka Piolo. Hindi mo ako bigyan ng pagkakataon.’’

“Tapos na sa atin ang lahat Mariz. Mag-concentrate ka na lang sa siyota mo. Magpakasawa ka na lang sa kanya.’’

‘‘Wala akong siyota! Bakit ayaw mo akong paniwalaan?’’

Hindi na sumagot si Piolo.

Pinatay na niya ang cell phone.

Nanginginig siya sa galit.

Sinungaling na babae! Hindi raw siya nagpupunta sa Ayala Avenue!

Nang may maisip si Piolo. Di ba ganundin ang sabi ni Maria Celia sa kanya. Hindi rin daw ito nagtutungo sa Ayala Avenue.

Anong mistyeryo na naman ito?

Humugot ng hininga si Piolo. Bakit ganito? Naguguluhan siya.

Dalawang babae na ang nagsasabi na hindi sila nagtungo sa Ayala Avenue. Anong ibig sabihin nito?

O pawang nagsisinungaling sina Maria Celia at Mariz?

Siya ang gustong bolahin ng mga ito?

Nababaliktad na ang mga pangyayari. Kung siya ang nambobola noon sa babae, ngayon ay kabaliktaran – siya naman ang binobola ng babae?

(Itutuloy)

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with