^

Punto Mo

Mga pala-singit sa bakuna!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kung dati marami ang takot na sumabak sa bakuna, ngayong nandito na ang bakuna bagama’t hindi pa karamihan marami na ang naghahangad na magpaturok.

Siyempre nga naman iba na ang may panlaban lalo pa nga’t hindi pa maampat ang pagdami ng bilang ng nagkaka-COVID sa kasalukuyan.

Tumaas ang kumpiyansa ng marami nang mauna  nang magpaturok ang nasa priority list, ang mga healthcare workers.

Pero hindi pa sila nababakunahang lahat dahil nga sa hindi pa sapat ang dami ng mga bakuna.

May listahan na sinusunod, priority o una sa listahan ang mga healthcare workers,  dahil nga sa panganib na kanilang kinakaharap.  Sila ang sa araw-araw eh humaharap sa mga pasyenteng may COVID, mataas ang risk na sila ay mahawa kaya kailangan ang panlaban.

Dapat na masunod ang pagkakasunud-sunod sa listahan, pero may iba na sumisingit at walang pakialam, parang sarili lang nila ang agad na inililigtas.

Kahit saang anggulo tignan, hindi katanggap-tanggap o maganda ang sumisingit sa pila.

Ang masaklap pa rito, mismong mga opisyal pa na dapat eh sila ang magpakita ng magandang halimbawa  eh sila pala ang unang may  paglabag sa mga ipinatutupad na mga patakaran.

Ipagpalagay kaya na si ordinaryong Juan dela Cruz ang sumingit o nagpumilit para mabakunahan saan kaya ito hahantong? 

Madalas nga nagiging dahilan pa ito ng away, tulad na lang sa pila sa MRT, pila sa cashier sa dept. store o  supermarket at sa iba pa. Hindi ba maiinis ka kung nagtityaga ka sa pila pagkatapos meron na biglang sisingit nang ganun na lang na hindi magtiyagang maghintay.

Kapag ganito, labu-labo na, nawawala na ang disiplina.

Dahil daw sa pangyayaring ito baka mapurnadea pa ang ibang hinihintay na bauna matapos ang naganap na singitan sa pila.

O eh di ang dami nang maaapektuhan kung magkaganito.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with