Lalaki sa Australia, may hila-hilang truck habang nagma-marathon

ISANG atleta sa Australia ang nakapagtala ng bagong world record nang tapusin niya ang isang marathon sa loob ng 16 oras at 12 minuto – habang hila-hila ang isang 1.6-toneladang truck.

Hinila ng 23-anyos na si Corey Phillpott ang Ford Ranger truck sa layong 42.1 kilometro upang mapanalunan ang tinatawag na World’s Strongest Marathon.

Sapat na ang record time ni Phillpott na 16 oras at 12 minuto para mahigitan ang dating record na 17 oras na naitala ng U.S. athlete na si Justin True.

“I’ve got no injuries, I feel great,” ayon kay Phillpott nang matapos na niya ang marathon. Sa ganda ng kanyang pakiramdam ay baka nga raw tumakbo pa siya kinabukasan matapos ang kanyang world record attempt, dagdag pa ng Australyano.

Show comments