^
EDITORYAL - Huwag munang ipilit ang Cha-Cha ngayon

EDITORYAL - Huwag munang ipilit ang Cha-Cha ngayon

(Pang-masa) - March 6, 2021 - 12:00am

NASA gitna ng pandemya ang bansa at nagsisimula pa lamang ang rollout ng bakuna. Patuloy pa rin naman ang ang pagdami ng mga nagkaka-infection at kinatatakutan ang pagpasok ng South African variant ng COVID. Problema nang marami ang kawalan ng trabaho. May mga nagugutom na pamilya. Sumasabay pa ang iba pang mga problema gaya ng African Swine Fever (ASF)  na nakaaapekto sa mga babuyan sa bansa dahilan para magmahal ang karne. Wala rin namang tigil ang pagtaas ng gasoline, diesel at LPG. Apat na linggo nang sunud-sunod ang pagtaas ng petroleum products at walang naririnig na pagbatikos mula sa mga mambabatas at iba pang sector.

Sa lahat nang nangyayaring ito sa bansa, walang ibang pinagtutuunan ng pansin ang mga mambabatas kundi ang pag-amyenda sa 1987 Constitution.  Sa halip na ang unahin muna ay ang mga solusyon kung paano mahaharap nang maayos ang pandemya at mabawasan ang mga nagkakasakit ang pagpapalit ng Konstitusyon ang prayoridad.

Sa halip na gumawa ng batas para matulungan    ang mga naapektuhan ng pandemya, ang pinagkakaabalahan ay ang pag-amyenda sa kasalukuyang Charter? Dapat ba itong gawin habang sa kasalukuyan ay nagdaranas nang matinding hirap ang mamamayang sinalanta ng pandemya.

Sinabi ni House Speaker Lord Allan Velasco na ipagpapatuloy nila ang balak na pag-amyenda sa economic provisions sa 1987 Constitution. Hindi pa umano “patay” ang kanilang pagnanais na maam-yendahan ang 34 na taong Constitution. Hindi rin daw totoo na wala na silang kakampi sa Senado. Ayon kay Velasco, nakausap na umano niya si Senate President Tito Sotto ukol dito. Mayroon pa umano silang isang taon para talakayin ang Charter amendments. Hindi umano sila nagmamadali.

Hindi napapanahon ang pag-amyenda sapagkat ang bansa ay maraming problema. Pagdududahan ang pag-amyenda sapagkat maaa-ring magsingit ang mambabatas ng provisions na mag­papapalawig sa kanilang termino. Huwag munang talakayin ang Cha-Cha.

CHA-CHA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with