^

Bakuna nagsimula na, face-to-face classes, puwede na nga ba?

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

Isinusulong ng Senado pagbigyan na ang limited face-to-face classes sa mga lugar na maituturing na hindi mataas  ang banta ng COVID.

Nabatid na posible itong ikonsidera ni Pangulong  Digong.

Halos isang taon na kasi matapos ang ipinairal na lockdown sa bansa dahil sa COVID pandemic, hindi pa rin nakakabalik sa face-to-face classes ang mga estudyante.

Ayon nga sa ulat, ang Pinas na nga lang daw ang hindi pa nakakabalik sa ganitong pag-aaral, habang ang ilan nating karatig bansa ay nagsisimula na.

Eh kasi  naman mukhang nahuli na rin tayo sa bakuna. Nagsimula  lang ang turukan sa atin noong nakalipas na Lunes nang dumating ang donasyong Sinovac vaccines ng China.

Kagabi,  kulang-kulang kalahating milyong bakuna naman ng AstraZeneca ang dumating at posibleng anumang araw ay gamitin na rin ito sa pagbabakuna.

Patuloy ang rollout sa bakuna at araw-araw ay parami nang parami ang  nagsabing maturukan na sila, gayunman inuuna pa sa ngayon ay yaong mga frontliners partikular ang mga health workers.

Ngayong ratsada na ang pagtuturok hindi lamang sa NCR kundi nagsisimula na rin sa ilang lalawigan, maaaring ito ang dahilan kaya posibleng magbago na ang isip ng Pangulo para pa-numbalikin ang face-to-face classes sa mga low-risk sa COVID na lugar.

Kapag naka-2M rollout na ng bakuna baka dito magdesisyon nang husto si Digong sa panunumbalik ng face-to-face classes. May panlaban na ang ilan sa ating mga kababayan at maaaring maging daan upang mabawasan na ang pagkalat ng virus.

Kung sabagay  marami rin naman kasi sa ating mga mag-aaral ang hirap na talaga sa kasalukuyang sitwasyon ng pag-aaral.

Sa una pa lamang siyempre, problema ang koneksyon ng internet sa online classes, nandyan din naman yung  kumukuha ng modules hirap rin ang maraming mag-aaral  sa kanilang pag-intindi at solong pag-aaral.

Maging ang mga magulang na kailangang tumututok sa kanila imbes na nasa hanapbuhay.

Sa ngayon , hati pa rin ang opinyon ukol dito, lalu na sa Metro Manila na may mataas pang kaso ng COVID.

Bukod pa sa   naglulutangan ang ibat-ibang COVID variant buhat sa ibat-ibang  lugar na dapat din isaalang-alang.

Dapat matimbang ang lahat ng anggulo para walang pagsisihan sa huli.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with