^

Natatanging guro

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

ISANG assignment ang ibinigay ng propesor sa isang grupo ng kanyang mga estudyante para sa kanilang term paper: Pumunta kayo sa squatters area. Mag-interview ng 200 batang lalaki, edad 12 to 16 at alamin ang kanilang background. Base sa inyong makakalap na impormasyon ay gagawa kayo ng prediksiyon: Ano kaya ang magiging kinabukasan nila?

Base sa data na nakalap, nabuo ng mga estudyante ang isang konklusyon: 90 percent ang may tsansang makulong pagdating ng araw.

Pagkaraan ng 20 taon, naisipan ng propesor na balikan ang mga batang respondents (mga tumugon sa interview) na ngayon ay mga adults na. Ini-assign niya muli ito sa kanyang mga estudyate bilang term paper. Ang magiging objective ng term paper ay tingnan kung nagkatotoo ang konklusyon ng mga nakaraang estudyante na 90 percent sa kanila ay magwawakas ang buhay sa bilangguan. Ang naitagong data ng mga bata ay ibinigay sa kasalukuyang mga estudyante at bahala na silang mag-trace sa mga taong ito sa squatters area.

Out of 200 repondents noon ay 100 na lang ang natagpuan ng mga estudyante. Ang iba’y namatay, samantalang ang iba’y lumipat na ng tirahan. Ang squatters area na tinirhan ng mga bata ay pugad ng mga kriminal pero sa kanilang pagkamangha ay naging maayos ang buhay ng mga respondents. Bagama’t karamihan ay hindi nakatapos sa kolehiyo, may maayos naman silang pinagkakakitaan. Apat lang ang naligaw ng landas at kasalukuyang nasa bilangguan.

Nang tanungin ng mga estudyante kung ano ang naging panuntunan ng mga respondents para sundin ang tamang landas ng buhay ay isa lang ang naging sagot ng mga ito — may isang taong nagbigay sa kanila ng pag-asa. Hinanap nila ang address ng taong iyon.

Sa wakas, natagpuan din nila ang taong tinukoy ng respondents. Isa na pala itong 70-anyos na babae at naging guro ng respondents. Tinanong ng mga estudyante kung anong pilosopiya sa buhay ang itinuro niya sa mga respondents: “Wala” ang tanging sagot ng guro. Pero maya-maya ay parang may naalala at napangiti, “Basta’t pinakisamahan ko lang ang mga batang iyon na parang mga anak.”

TEACHER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with