^

Punto Mo

Hindi ako susuko (140)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG araw, nagulat sina Reagan at Hillary nang biglang sumulpot ang mabait na dating boss ng kompanya na si Boss Franklin. Isang linggo na ang nakararaan nang magretiro si Boss Franklin. Isang linggo na rin na CEO si Reagan.

“Magandang umaga sa inyong dalawa. Tamang-tama pala ang pagpunta ko rito. Kayo talaga ang sadya ko.’’

“Bakit po Sir?’’ tanong ni Reagan.

“Birthday ko next month at inaanyayahan ko kayong dalawa. Kayo ang special guests ko.’’

“Salamat po Sir,’’ sabi ni Reagan.

‘‘Maligayang kaarawan po,’’ sabi ni Hillary.

‘‘Ipadadala ko sa inyo ang imbitasyon. Basta huwag kayong mawawala.’’

‘‘Hindi po kami mawawala, Sir!’’

“Gusto ko maging masaya tayo sa kaarawan ko. At hiling ko, isama n’yo ang mga magulang n’yo Reagan at Hillary. Gusto ko silang makilala.’’

Hindi nakapagsalita sina Reagan at Hillary sa sinabi ni Boss Franklin. Napamaang sila.

“Gusto kong makilala ang mga magulang ng aking aanakin sa kasal. Palagay ko napa-kabubuti ng mga magulang n’yo. Ang mga katulad nila ang gusto kong makausap.”

Nagkatinginan sina Reagan at Hillary. Sila ang nasosorpresa ngayon. Ano pa kaya ang sasabihin ng mabait na boss sa kanila? (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with