^

2 babae sa Florida, nag-disguise na mga senior citizen para makatanggap ng COVID-19 vaccine!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 23, 2021 - 12:00am

SA Florida, U.S.A., mga health workers at ang mga may edad 65 pataas lamang ang prayoridad ng local government na mabigyan ng COVID-19 vaccine.

Kaya dalawa sa kanilang mga residente ang nahuli ng health officials na nagpanggap bilang mga lola para mabigyan ng bakuna.

Nakasuot ng disguise na bonnet, guwantes at antipara ang dalawang babae ngunit napansin ng health worker na magtuturok sana sa kanila na hindi tumugma ang kanilang binigay na birthday sa nauna nilang inirehistro na kaarawan.

Sabi sa report ng isang local TV station sa Orlando, ang mga nahuling fake lola ay may mga edad na 34 at 44 at nakilala sa mga pangalang Olga Monroy-Ramirez at Martha Vivian Monroy.

Napag-alaman pa na pangalawang dosage na sana ang tatanggapin nina Ramirez at Monroy dahil nakalusot ang disguise nila sa unang round ng vaccination.

Ayon sa pahayag ng Orange County Sheriff’s Office, binigyan lamang ng trespass warning ang dalawa at hindi na kinasuhan pa ng local government.

 

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with