^

Punto Mo

Pambihirang puting kuwago, lumitaw muli sa New York City matapos ang 130 taon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAMING bird watchers ang nagpuntahan kamakailan sa Central Park ng New York City matapos ku-malat ang balitang lumitaw muli roon ang isang pambihirang uri ng kuwago na kulay puti.

Ang snowy owl, na karaniwang makikita lamang sa Arctic region ng daigdig, ay huling nakita sa New York noon pang 1890 o higit 130 taon na ang nakakaraan.

Nagdagsaan ang bird watchers nang kumalat ang litrato ng pambihirang kuwago sa social media.

Ayon sa mga eksperto, bihira lang magawi ang mga snowy owl sa New York at kadalasan ay dahil ito sa paghahanap ng makakain.

Hiling naman ng NYC Audubon conservation group, isang grupong nag­lalayon na mapangalagaan ang mga ibon, na lumayo ang mga nagdagsaang bird watchers upang hindi maistorbo ang pamamalagi ng snowy owl na nagawi sa New York.

vuukle comment

NEW YORK CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with