^

Punto Mo

Hindi ako susuko (110)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANO po ba ang itsura ng babaing gustong bumili ng Sir Abe painting, Sir?’’ tanong ni Reagan sa kanyang boss.

“Maganda siya pero sa tingin ko ay may nakata­gong kakaiba sa ugali. Obserbasyon ko lang naman. Pero halatang mayaman dahil may mga mamahaling alahas. Siya ‘yung tipong nabibilang sa alta sociedad.’’

Naimadyin agad ni Reagan ang sinasabi ng boss. Sosyalin ang babae. Baka ‘yung tipong laging nasa society page ng diyaryo ang mga photos.

“Mga anong age po niya, Sir?’’

“Siguro mga past 50 na ‘yun pero hindi halata dahil alaga ang katawan. Mapera nga kasi. Alam mo naman ang mga mayayaman, lahat nang gusto ay nabibili. Lahat nang pampaganda at pampakinis ay kumpleto. Basta mapanatiling bata ang mukha ay bibilhin kahit magkano.’’

Napangiti si Reagan.

“May asawa po ba ang babae?’’

“Hindi ko lang alam Reagan?’’

“Sige po at ako na ang bahala kung darating siya. Sure po ba bukas?’’

“’Yun ang sabi niya. Ti­nawagan nga ako kaninang umagang-umaga sa bahay at nangungulit pero gaya nang pinag-usapan natin ikaw ang dapat kausapin. Pero siguro kung hindi matutuloy bukas e tatawag sa akin ang babae. I-informed agad kita kung sakali at hindi matutuloy. Okey Reagan?’’

“Opo. Ako na ang bahala sa babae.’’

‘‘Thanks.’’

KINABUKASAN, dakong 9:00 ng umaga, pumunta ang lady guard sa opis ni Reagan at sinabing may babaing naghahanap.

“Paakyatin ko po ba ang babae Sir?’’

“Sige!’’

(Itutuloy)

 

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with