^

Ginang sa Thailand, nagpaulan ng pera at ginto sa kanyang mga kapitbahay matapos maka-jackpot sa lotto!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

Literal na umulan ng pera at ginto sa isang komunidad sa probinsiya ng Udon Thani, Thailand matapos magrenta ang isang ginang ng grupo ng paragli-ders para magsabog ng pera at gintong alahas mula sa kalangitan.

Ang ginang ay nakilalang si Suwanlee Panyasai. Ginawa niya ito para mamudmod ng biyaya sa kanyang mga kapitbahay matapos siyang manalo sa lotto.

Itinaon niya ang pagpapaulan ng pera at alahas sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-48 na kaarawan. Inim­bitahan niya ang kanyang mga kamag-anak at mga kapitbahay.

Sampung paramotor pilots ang kanyang inupahan para magsabog ng 30 gintong kuwintas at pera na nagkakahalaga ng 300,000 baht.

Dalawandaang katao ang imbitado sa kanyang birthday celebration pero dahil kumalat agad sa kanilang lugar na mamimigay siya ng balato, umabot sa mahigit 1,000 ang nag-abang ng biyaya mula sa kalangitan.

Ayon kay Panyasai, naisipan niyang gawin ito upang ipamahagi sa ibang tao ang kasiyahan na kanyang natamo mula nang natanggap ang 90 million baht jackpot prize sa lotto.

 

THAILAND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with