^

Punto Mo

Mga ritwal sa Bagong Taon

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

 SA Greece, nagluluto sila ng tatlong pirasong pie. Nilalagyan nila ng coins ang isang pirasong pie. Pagsapit ng New Year, isa-isang iaalay ang tatlong pie. Ang isa ay iniaalay nila kay baby Jesus, ang pangalawa ay ibibigay sa head of the family at ikatlo para sa buong pamilya. Pinaniniwalaan nila na kapag ang pie na may coins sa loob ang naibigay sa buong pamilya, sila ay magkakamit ng kasaganaan at kaligayahan sa buong taon.

 

Akala ninyo mga Pinoy lang ang adik sa paputok tuwing New Year, mga Germans din. Kagaya ng ating paniwala, nagpapaputok sila at nagpa-fireworks upang mapalayas ang evil spirits. Nagluluto sila ng anumang recipe na may karneng baboy dahil simbolo ito ng kasaganaan. Hindi rin nawawala ang isda sa hapag kainan sa New Years eve para sa magandang kinabukasan. Ang paglangoy ng isda nang pasulong ay simbolo ng magandang kinabukasan.

Sa Britain, pinaniniwalaang susuwertehin ang pamilya kung ang unang tao na bibisita sa kanilang bahay sa New Year ay isang lalaki. Mas lalo pang madodoble ang suwerte kung may bitbit itong regalo. Ngunit kung babae ang unang bisita, hindi naman malas pero hindi ito magdudulot ng suwerte.

Ang mga Brazilian naman ay nagsusuot ng puting damit  sa New Year’s Eve, tatalon ng pitong beses at magtatapon ng mga bulaklak sa dagat upang matupad ang wishes para sa buong taon.

Sa U.S., usung-uso ang pag-attend sa masquerade ball sa New Year’s Eve. Pagsapit ng 12 midnight o New Year ang mga nakamaskara ay magbebeso-beso sa isa’t isa. Ang maskarang isinusuot ay simbolo ng evil spirit na nagdudulot ng kamalasan. Ang pagbebeso-beso o paghahalikan sa pisngi ay simbolo naman na kinokontra nila ang nakatakdang kamalasan na darating sa kanilang buhay.

Anu’t anuman, kahit wala kayong ginawang New Year rituals, sapat na ang busilak na puso, palagiang pagdadasal at pananampalataya sa Diyos upang makamtan ang magandang kapalaran sa darating na taon.

Masagana at Ligtas na Bagong Taon sa lahat.

 

GREECE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with