^

Punto Mo

Nag-viral na parak, sangkaterba na pala ang naging kaso!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi lang dito sa Pinas usapan at talagang viral ang ginawang pamamaril ng isang pulis sa mag-ina sa Panique, Tarlac.

Talagang matindi ang galit ng mga nakapanood dahil sa  nag-viral na video na parang ‘manok’ na lang na binaril ng pulis na si Senior Master Sgt. Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya Gregorio, 52 at anak nitong si Frank Anthony, 25.

Magkapitbahay ang suspect at mag-inang biktima sa Paniqui, Tarlac na dati na ring may iringan dahil sa right of way. Naayos na raw ang isyu sa barangay.

Lumipas ang panahon, Linggo ng hapon ng muling magtagpo ang kanilang mga landas dahil lamang sa sinasabing ‘boga’ o pagpapaputok ng grupo ni Frank Anthony.

At nangyari na nga ang nangyari.

Double murder ang kasong isasampa sa pulis na nasa kustodya na ng PNP.

Matapos ang pamamaril, marami ang natuklasan sa suspect na pulis.

Nasangkot na rin pala ito sa iba’t ibang kasong criminal.

Mismong si PNP chief General Debold Sinas ang nagsabing mayroong limang naunang kasong kinaharap ang suspect na si Nuezca at apat dito ay nadismis ng korte habang ang isa ay napatunayang nagkasala at napatawan ng 31 araw na pagkasuspinde.

Kabilang sa mga nadismis niyang kaso  at dalawang grave misconduct na kasong homicide noong Mayo ng 2019 at Dec. ng 2019 na pawang nabasura sa kakulangan ng ebidensya.

Matindi talaga,  sa iisang taon, dalawang kaso ang kinasangkutan, pero suwerte dahil parehong nadismis.

Nagkaroon na rin ang suspect ng non-apperance in duty noong 2016 na nabasura, less grave misconduct noong 2013 na drop and closed at less grave misconduct noong 2014 na humantong nga sa 30 araw na suspensyon.

May ulat pa na tumanggi na rin itong magpa-drug test.

Abay sangkaterba na pala ang kinasangkutan nito, dapat pinasailalim na agad ito sa neuro exam para mabatid kung nasa maayos na kondisyon pa para maging isang pulis ang kaisipan nito.

Iyon pa ang sa ang ginamit na baril sa pagpatay ay ang kanyang service firearm sa kabila na hindi siya naka-duty ng mga oras na yon.

Ayon nga kay Sen. Lacson dapat daw na isurrender sa kanilang mga supply officer ang kanilang mga armas kung hindi na sila naka-duty at hindi rin dapat na binibigyan ng permit to carry fiorearms  outside residence ang pulis na nasa active service.

Ngayong may nangyari ang ganito saka nakikita ang mga dapat na gawing pagbabago na sana nga eh mabigyan ng pag-aksyon para kahit bahagya eh maiwasang maulit ang ganitong insidente.

Aantabay tayo sa mga magiging resulta ng imbestigasyon at mga rekomendasyonsa pangyayaring ito.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with