EDITORYAL - Posibleng makasagap ng virus ang mga bata

EDITORYAL - Posibleng makasagap ng virus ang mga bata

(Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

POSIBLE raw na payagan na ang mga bata na makapunta o makapamasyal sa malls basta may kasama itong magulang o guardians. Ipatutupad umano ito sa National Capital Region (NCR) at mga lugar nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ). Magpapalabas ng ordinansa ang mga mayor sa NCR ukol dito. Kapag nakapaglabas na ng ordinansa, maaari nang isama ang mga bata sa malls lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan. Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tanging mga bata na may kasamang magulang ang papayagang makapasok sa malls.

Sinabi ni DILG Eduardo Año na para na rin sa Kapaskuhan ang pagpapahintulot na makalabas ang mga bata. Puwede na umano ang gradual expansion ng mga age group para makalabas ang mga minor. Noong Oktubre, pinayagan nang makalabas ang edad 15 hanggang 65.

Pero kung payag ang DILG sa paglabas ng mga bata sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan, hindi naman sang-ayon dito ang ilang police official at maski ang mga doctor.

Sabi ni NCRPO chief Brig. Gen. Vicente Danao, bawal pa ring lumabas ang mga bata sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ. Ayon kay Danao, posibleng mahawahan ang mga bata kaya makikipag-usap sila sa manager ng malls na higpitan at huwag papasukin ang minor.

Ayon naman kay Dr. Tony Leachon, dating adviser ng pandemic task force, “superspreaders” ng COVID ang mga bata kapag pinayagang makalabas ngayong Kapaskuhan.

Huwag munang payagan ang mga bata na magtu-ngo sa malls at iba pang lugar. Delikadong makasagap sila ng virus. Huwag makipagsapalaran sa kalusugan ng mga bata. Kaya nga walang face-to-face classes ay para makaiwas ang mga bata sa virus at saka ngayon ay papayagang makapunta sa malls. Tiis-tiis lang muna. Lilipas din ang Pasko.

Maganda ang hangarin na makapamasyal ang mg bata lalo ngayong holiday season pero dapat din namang pakaisipin na baka ang paglabas na ito ang maging dahilan ng problema. Huwag payagang makalabas ang mga bata para sa kanilang kaligtasan.

 

VIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with