Ang bastos na mayor

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

NOON ay araw ng pagbubukas ng Wine Festival sa Bremen City, Germany. May itinayong stage sa gitna ng kalye kung saan isasagawa ang opening ceremony. Ang naatasang mamuno ng programa ay ang Lord Mayor na si Peter Gloystein­. Ganito dapat tatakbo ang opening ceremony: Bubuksan niya ang bote ng champagne, isasalin sa baso, tapos itataas niya ang baso at sisigaw ng “cheers”.

Ngunit binago niya ang nasa script ng programa. Ewan kung ano ang pumasok sa kukote ni Gloystein. Ibinuhos niya ang laman ng champagne bottle  sa ulo ng namataan niyang homeless man na nanonoood ng seremonya sa gilid ng stage. Sabay sabi habang nakangisi: “Narito ang alak para sa iyo, sige inumin mo.”

Gumuhit ang galit sa mukha ng nabiglang homeless man. Ang mga taong nanonood sa programa ay shocked sa nasaksihan. Natahimik ang lahat. Maluha-luhang nagsalita ang lalaking binuhusan sa ulo na napag-alamang si  Mr Oelschläger:

“Sino ka para gawin mo sa akin ang kabastusang ito?”

Astang lalapitan sana ni Mr Oelschläger si Gloystein pero mabilis na pinalibutan ito ng bodyguards. Nakita at nadama ni Mayor Gloystein ang galit sa mukha ng mga taong nakapaligid sa stage. Bigla itong bumawi. Nilapitan ng Mayor ang lalaki at humingi ng paumanhin. Iniabot niya ang business card at inalok ng pera. Kasamang inalok din ang kanyang Montblanc pen na nagkakahalaga ng 150 Euro. Nagpaliwanag ito na nagbibiro lang daw siya.

“Matapos mo akong hiyain at pinagmukhang tanga, aalukin mo ako ngayon ng pera? Kahit­ ako ay mahirap, walang presyo ang aking dignidad, kagalang-galang na mayor.”

Tila nahihiyang nagpaliwanag ang mayor sa madlang pipol na pulos nakatingin sa kanya nang masama. Nagtangka pa itong magpalusot. Ang paliwanag niya:

“Isusubo ko sana sa kanya ang bote ng alak pero gumalaw ang kanyang mukha kaya napabuhos ito sa kanyang ulo.”

Lingid sa kanyang kaalaman, isang photographer ng diyaryo ang  maagap na nakuhanan ng litrato ang pangyayari. Kinabukasan ay nakabandera ang mga litrato, frame by frame shots ng insidente. Nagbunga ito ng panawagang magbitiw siya sa lahat ng government positions na hinahawakan niya simula pa noong 2004: the Lord Mayor and Senator for Economics and Harbours; at Senator for Culture in the Free Hanseatic City of Bremen. Natagalan din bago siya bumitaw sa kanyang posisyon. Noong May 2005 ay napilitan siyang magbitiw sa lahat ng posisyong kanyang hinahawakan. Ipinahamak siya ng kanyang kabastusan.

GERMANY
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with