Hindi ako susuko (53)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

SINIMULAN nang iguhit ni Reagan ang mga bulaklak na nakolekta ng mga kapatid mula sa bundok at pampang ng ilog. Ganado siyang gumawa sapagkat napakagaganda ng mga bulaklak na ngayon lamang siguro makikita. At naiimadyin ni Reagan na maraming bibili sa kanyang bulaklak series. Tiyak na pagkakalipunpunan na naman siya ng mga taong galing sa pagsisimba. Hindi malaman ng mga bibili kung alin ang pipiliin sa mga nakalatag na artworks sapagkat lahat ay pawang magaganda.

Kagaya noong Linggo na pinagkaguluhan ang kanyang mga paninda. Hindi niya malaman kung sino ang uunahin. Mayroong nag-aabot ng bayad at mayroong nagtatanong kung magkano. Nalilito tuloy siya.

Hanggang maisip niya na bakit hindi niya isama ang isa sa kanyang mga kapatid para maging katulong niya sa pagtitinda.

Tinawag niya sina Kennedy, Nixon at Clinton.

“Sino ang gustong sumama sa akin sa Linggo para may katulong ako sa pagtitinda ng mga iginuhit ko?’’

Walang sumagot.

“Ikaw Nixon?’’

“May assignment ako Kuya.’’

“Ikaw Clinton?’’

“May exam ako kinabukasan Kuya?’’

“Ikaw Kennedy, puwede ka?’’

“Sige Kuya.’’

“Salamat. Mabilis lang namang ibenta ang mga ito. Uuwi agad tayo.’’

“Sige Kuya.’’

LINGGO. Kagaya ng dati, ipinuwesto nina Reagan at Kennedy ang mga artworks malapit sa gate ng simabahan. At maya-maya pa, marami nang nagkalipunpon sa mga makukulay na drowing ni Reagan. Mara-ming bumili.

Iglap lang at naubos ang mga ginawa ni Reagan.

“Ano Kennedy naniniwala ka na mabilis maubos ang mga ginawa ko?’’

“Oo Kuya. Bilib na ako.’’

Nang uuwi na sila, nagdaan muna sila sa simbahan at nagpasalamat. Pagkatapos ay bumili sila ng mga siopao at pansit para pasalubong kanilang magulang at kapatid.

NAKAIPON agad ng pangmatrikula si Reagan dahil naging mabili ang kanyang bulaklak series.

Sumunod na linggo, nag-enrol na siya. Sobra-sobra ang kanyang naipon.

(Itutuloy)

 

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with