EDITORYAL â Sandamakmak ang obese na pulis

EDITORYAL – Sandamakmak ang obese na pulis

(Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

KAPANSIN-PANSIN na kapag nagpa-pass in review ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ay kitang-kita ang mga obese na pulis. Halatang-halata dahil halos pumutok na ang kanilang suot na asul na uniporme. ‘Yung iba ay hindi na mai-butones ang uniporme dahil sa katabaan. Masagwang tingnan ang obese na pulis. At lalong masagwa kapag hindi sila nakahabol sa mga kawatan na nambibiktima sa mamamayan. Paano makakahabol sa kriminal ang pulis na obese?

Ang problemang ito ang gustong masolusyunan ng bagong hirang na PNP chief Gen. Debold Sinas. Aminado naman si Sinas na maraming obese na pulis kaya sinabi nito na ibabalik na ang Body Max Index (BMI). Ito ay para mapanatili ang kalusugan at maiwasan ang anumang sakit na humahantong sa kamatayan. Imo-monitor na ayon kay Sinas ang mga obese na pulis.  

Sabi pa ni General Sinas, dumami ang mga obese sa nakalipas na siyam na buwan  na ipinatutupad ang lockdown. Marami umano ang hindi makapag-ehersisyo sapagkat sarado ang mga gym at iba pang pasilidad.

Hinamon ni Sinas ang mga pulis na maging fit para maging malusog ang katawan. Inilunsad ni Sinas ang 4-minute exercise upang makaiwas sa pagiging obese ang mga pulis.

 Sabi pa ng PNP chief na siya rin mismo ay tumatalima sa fitness program. Handa umano siyang sumailalim sa fitness program. Ayon sa tagapagsalita ng PNP, malaki na ang ibinaba ng timbang ni Sinas.

Sana magtagumpay ang planong ito para sa mga obese na pulis. Magandang tingnan kung fit na fit ang mga pulis at handang makipagsubukan ng lakas sa mga kriminal.

Naniniwala kami na ang mga obese na pulis ay mati-trim at magiging magandang halimbawa para maging modelo ng iba pang mga pulis.

 

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with