Aso sa Philadelphia, iniligtas ang bulag na amo sa nasusunog nilang bahay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

ISANG golden retriever ang hinangaan sa Philadelphia matapos niyang mailigtas ang kanyang bulag na amo mula sa nasusunog nilang bahay.

Naipamalas ng golden retriever na si Yolanda ang kanyang talino at kabayanihan nang masunog ang bahay ng kanyang among si Maria Colon sa Holmesburg, Philadelphia.

Natutulog si Colon noong gabing iyon nang magising siya sa makapal na usok na kumalat na sa kanyang bahay.

Ilang saglit na lang ang nalalabi bago siya maubusan ng hininga kaya ang tanging nagawa na lang niya ay ang sumigaw sa kanyang aso na si Yolanda.

Mabuti na lamang at alam ni Yolanda ang gagawin dahil nakatawag agad ito sa 911 sa pamamagitan ng isang espesyal na telepono na angkop gamitin ng mga alagang aso sakaling may emergency.

Matapos ma-dial ang 911 ay saka naman hinila ng aso si Colon palabas ng nasusunog na bahay.

Nakaresponde naman kaagad ang mga bumbero na nagsugod kay Colon sa ospital dahil sa pagkakalanghap nito ng labis na usok.

Pinarangalan naman si Yolanda para sa kanyang kabayanihan ng isang volunteer group sa pamamagitan ng pamumudmod sa kanya ng sangkatutak na pagkain at mga laruan.

PHILADELPHIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with