Hindi ako susuko (46)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

LUMINGON si Reagan nang may tumawag sa kanya.

Si Sir George na pamangkin ni Sir Abe. Ito ang kasama ni Sir Abe nang gabing atakehin sa puso ang matanda.

Bakit kaya siya sinundan ni Sir George?

Baka mayroon pang pinasasabi ang anak na babae ni Sir Abe?

Baka mayroon pang ipahahabol na panlalait?

“Sandali Reagan!’’ sabi ni Sir George.

Hinintay ni Reagan si George.

“Alam ko masama ang loob mo, Reagan. Humigit-kumulang alam ko na ang mga sinabi sa iyo ng pinsan ko. Huwag mo na lang pansinin. Ang nagawa na lang ni Tiyo Abe sa iyo ang isipin mo. ‘Yun na lang Reagan.’’

‘‘Opo Sir George. ‘Yun na nga lang po ang ginagawa ko.’’

‘‘Gusto kong malaman ang address at contact number mo, Reagan. Mabuti nang alam ko para madali kitang mahanap kung sakali.’’

Sinabi ni Reagan. Isinulat ni George sa kapirasong papel ang dinikta ni Reagan.

“Salamat Reagan.’’

“E Sir George, anong gagawin ko rito sa portrait ni Sir Abe?’’

“Itago mo na lang. Mabuti na meron kang alaala ni Tiyo Abe. Kapag sikat na sikat ka na, isama mo sa exhibit. Baka marami ang magkagusto at at bilhin yan.’’

“Salamat Sir George. Aaalis na po ako.’’

“God bless, Reagan. Pagpalain ka ng Diyos.’’

“Salamat po.’’

Umalis na si Reagan.

Nabawasan ang nadama niyang kanina na kirot dahil sa panlalait ng anak ni Sir Abe.

Mahigpit niyang hinawakan ang portrait ni Sir Abe.

Umuwi na siya. (Itutuloy)

 

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with