^

Punto Mo

EDITORYAL - Walang sasantuhin, lahat uupakan

Pang-masa
EDITORYAL - Walang sasantuhin, lahat uupakan

MALAKING responsibilidad ang iniatang ni President Duterte kay Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan lahat ang mga tanggapan ng gobyerno na sangkot sa corruption. Isang “mega task force” ang bubuuin para maimbes­tigahan lahat. Walang sasantuhin sa pag-iimbestiga. Lahat uupakan!

Sa televised address ng Presidente noong Martes, ipinag-utos na umano niya ang isang special body na mag-iimbestiga sa Philippine Health Insurance     Corporation (PhilHealth) at pati na rin sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi pa ng Presidente na asahan nang mayroon siyang sususpendihing opisyal at personnel sa mga darating na araw. Kapag daw may sinuspende siyang opisyal, ibig sabihin nun e duda siya. Hindi raw siya magsususpende kung walang kasalanan ang opisyal o empleyado.

Ang mega task force na bubuuin ay tatagal hanggang Hunyo 30, 2022 o mas matagal pa maliban na lamang daw kung buwagin ito ng papalit sa kanya.

Hindi lamang mga opisyal ng tanggapan ang sakop para imbestigahan ng mega task force, pati raw mga kongresista at senador ay kasali rito. Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mandato ng Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang lahat kahit ang mga nasa lehislatura. Kahit daw may immunity ang mga mambabatas, hindi kasama ang paglabag sa anti-graft laws. Ang isang tiyak, basta nangurakot ang kongresista at senador, iimbestigahan ito ng DOJ.

Malawak ang sakop ng gagwing pag-iimbestiga ng DOJ. Pati mga mambabatas ay kasama. Kung magkakatotoo ito, maraming mambabatas ang tiyak na masasampolan ng DOJ. Maraming sangkot sa katiwalian gaya nang paglustay sa pondo ng PDAF na pinadaan sa bogus NGOs ni Janet Lim Napoles ilang taon na ang nakararaan.

Kung magtatagumpay ang task force ng DOJ laban sa mga korap sa buong pamahalaan kasama na ang mga mambabatas, tagumpay ito ng taumbayan. Maraming masisiyahan kung ang mga “matatakaw na buwaya” sa pamahalaan ay malilipol. Ito ang matagal nang inaasam ng mamamayan. Upakan na ang mga korap.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with