President Digong, pikon na sa patuloy na korapsiyon!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

DISMAYADO si President Digong sa patuloy na korapsiyon sa gobyerno na imbes na bumaba ay tumaas pa. Kaya nangako na naman si President Digong na hindi niya tatantanan ang korapsiyon at magiging prayoridad ito sa natitirang araw niya sa Palasyo.

Inutusan ng Presidente si Justice Secretary Menardo Guevarra na habulin ang mga korap sa gobyerno at kasuhan sila sa Ombudsman para hindi na pamarisan pa. Hindi lang ang PhilHealth, Department of Public Works and Highways at Agriculture ang tatamaan, ani President Digong, kundi lahat nang sangay ng gobyerno, empleyado man o maging sibilyan.

Subalit pinagdiinan pang muli ni President Digong na si DPWH Secretary Mark Villar at si DOH Secretary Francisco Duque ay hindi korap at may tiwala siya sa liderato ng mga ito. Kung umabot man sa isang milyong Pinoy, pati mga pulitiko, ang nanawagang sibakin si Duque, aba walang makitang dahilan si President Digong na ipatupad ito. Araguuyyyy! Hak hak hak! Mukhang palso na naman ang bolang kristal ni kosang Vic Endriga kay Duque.

Inamin ni President Digong na palpak ang unang kampanya niya laban sa korapsiyon kaya binalikan niya ito. Anyare? Kung hindi man niya maputol nang tuluyan ang korapsiyon, nais niya na malaki ang mabawas dito bago siya lumisan sa puwesto. Total campaign against corruption ang gagawin ng tropa ni Guevarra, na ang mga miyembro ay mga inhinyero, abogado at doktor.

Sinabi pa ni President Digong na may suspendihin s’yang mga opisyales ng gobyerno sa darating na mga araw, at gagawin niya ito dahil may ebidensiya siya at hindi base sa haka-haka lang. Hindi umano siya magsu-suspend ng taong gobyerno na walang kasalanan, aniya.

Kaya kayong mga hardworking na opisyales ng gobyerno, tulad nina Villar at Duque ay matulog na nang mahimbing dahil sobrang tiwala si President Digong sa kakayahan n’yo. Araguuyyy! Ano sa tingin mo kosang Vic? Hak hak hak! Marami na naman ang matutuwa sa Presidente nito.

Napansin pa ni President Digong na matapos niyang iutos ang imbestigasyon sa PhilHealth, aba maraming opisyales nito ang nag-resign, sa pag-akalang maabsuwelto na sila sa mga kaso na ihahain sa kanila. «Let me remind everybody in this government that your resignation would not save your neck,» ang diin ni President Digong. Idinagdag pa niya kahit na wala na sa gobyerno ang mga ito, kapag nai-summon sila sa prosecution ng kaso, itong resignation nila ay walang silbi.

Iginiit pa ng Presidente na ang mga opisyales ng gobyerno ay hindi pinapayagang mag-resign kapag may hinaharap itong kaso sa Ombudsman o sa iba pang korte. Araguuyyyy! Hak hak hak! Seryoso si President Digong sa bagong kampanya niya laban sa korapsiyon kaya sorry na lang sa tatamaan!

Inanunsyo ni President Digong ang pangalawang kampanya n’ya laban sa korapsiyon sa kanyang TV appearance kahapon kung saan nireport din niya ang kinalabasan ng kampanya laban sa COVID-19. Nanawagan din siya sa mga ahensiya ng gobyerno na simplehan na lamang ang proseso sa pag-isyu ng mga permit at mapigilan na maging source ito ng korapsiyon. Abangan!

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with