Hindi ako susuko (16)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

KINUHA ni Sir Abe sa kanyang pitaka ang retrato na ipagagawa kay Reagan.

‘‘Eto Reagan, wedding photo namin ito ni Misis,’’ sabi at iniabot kay Reagan ang retrato.

Kinuha ni Reagan at tiningnan.

“Sige po Sir Abe.’’

“Alam ko kayang-kaya mo yan. Nakita ko na ang gawa mo at malaki ang tiwala ko sa iyo.’’

“Salamat po Sir Abe…’’

‘‘Gusto ko kasi bago ako mamatay ay makitang naka-portrait ang mga picture naming mag-asawa. Gusto ko ay nakadispley ito sa aming sala at pinagmamasdan ko.’’

“Gusto mo po i-frame ko itong gagawin ko.’’

“Huwag na Reagan. Ako na ang bahala sa framing.’’

“Sige po.’’

“Nasabi ko na ba sa’yo na kamamatay lang ng misis ko?’’

“Opo.’’

“Last month lang. Iniwan na ako ng mahal kong asawa. Kaya nga ipinasya ko na ipadro-wing siya sa iyo para lagi kong nakikita sa salas. Nag-iisa na rin kasi ako sa bahay dahil ang mga anak namin ay may mga pamilya na.’’

“Saan ka po ba nakatira Sir Abe.’’

‘‘Malapit lang dito. Nilalakad ko lang. Tuwing Linggo ay nagsisimba kaming mag-asawa pero ngayon, mag-isa na lang akong nagsisimba. Hayaan mo at minsan ay ipagsasama kita sa bahay.’’

“Salamat po.’’

“Saan ka ba naka-tira?’’

‘‘Sa bukid pa po. Mga ilang kilometro pa po mula rito.’’

“Tuwing Linggo e narito ka para magtinda ng artwork mo?’’

“Opo.’’

“Nag-aaral ka ba?’’

“Kaga-graduate ko pa lang po ng high school.’’

“E di magkokolehiyo ka na?’’

‘‘Nag-iipon pa po ng pangmatrikula.’’

Tiningnan siya ni Sir Abe.

(Itutuloy)

 

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with