Matandang mag-asawa sa China, tiklo nang magtangkang magpuslit ng daang ipis sa airport
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - October 16, 2020 - 12:00am

KAKAIBA ang gustong ipuslit ng mag-asawang matanda sa China – daan-daang ipis!

Kahit ang mga airport security sa Baiyun International Airport sa Guangdong province ay hindi makapaniwala nang madiskubre nila kung ano ang tinangkang ipuslit ng mag-asawa.

Nabisto ang tangkang pag-smuggle sa mga ipis nang mapansin ng mga nagbabantay sa x-ray machine na may gumagalaw sa loob ng bagahe ng dalawang matanda.

Nakita sa monitor na may puting supot sa loob ng kanilang bagahe na naglalaman ng mga itim na bagay na gumagalaw.

Nang inspeksyunin ang bagahe, biglang may lumabas na ipis mula rito. Halos maiyak daw ang staff na babae na nagbukas sa bagahe. Tinatayang nasa 200 ipis ang nasa loob.

Nang kuwestiyunin ng mga awtoridad ay nagpaliwanag ang lalaki na gagamitin daw nila ang mga ipis na sangkap sa paggawa ng tradisyunal na Chinese medicine para sa sakit sa balat ng kanyang asawa.

Dudurugin daw ang mga ito upang ihalo sa isang medicinal cream at saka ipapahid sa balat, ayon sa matandang lalaki.

Ipinaliwanag naman sa kanila na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga buhay na hayop sa hand carry na bagahe.

Sa huli, pinayagan din na makasakay sa eroplano ang mag-asawa matapos nilang i-surrender ang kanilang mga ipis.

Hindi naman malinaw kung ano ang ginawa ng mga kinauukulan sa 200 ipis na naiwan sa kanilang pangangalaga.

 

CHINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with