^

Punto Mo

Bgy. kagawad sa Taytay, pumalag kay Chairman!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

PUMALAG ang isang kagawad ng Bgy. Dolores sa Taytay, Rizal ukol sa plano ng chairman nila na si Allan de Leon na pabayaran ng P13 milyon ang mga donasyon na natanggap nila para sa COVID-19. Ayon kay kagawad Roy Tapawan, pilit siyang pinapirma ni De Leon ng isang resolusyon para bigyan ang huli ng pahintulot na bayaran ng P13 milyon ang halaga ng gamot, PPEs, alcohol at iba pang donasyon na tinanggap nila ng nakaraang buwan. Siyempre, hindi pumayag si Tapawan dahil sa takot na makasuhan at makulong. Araguuyyyy!

Ginawa umano ni De Leon ang pagpapirma sa kanya sa ipinatawag nitong sesyon para aprubahan ng konseho ang naturang balakin para kumita. Mahigpit namang pinabulaanan ni De Leon ang paratang sa kanya ni Tapawan. ‘‘Not true. Wala kaming pinabadyetan ng P13 milyon,” ani De Leon sa panayam ni Kosang Fernan Angeles ng online news na Metro Sun.

“Ang hinihingi ko sa aming konseho ay authorization para gamitin ang 20 percent deve-lopment fund para mabayaran ang mga nagpautang sa amin ng supplies para sa COVID-19 response,” ang dagdag pa ni De Leon. Araguuyyyy! Hak hak hak! Bahala na kayo mga kosa kung sino ang paniniwalaan n’yo kina De Leon at Tapawan.

Sinabi ni Tapawan na ang kanilang barangay ay may P3.5 milyon na calamity fund subalit naglaan lang ang konseho ng P700,000 para sa kanilang gastusin sa COVID response, batay din sa kagustuhan ni De Leon. Subalit laking gulat ni kagawad nang magpatawag ng sesyon noong Hunyo si De Leon at hinimok silang mga konsehal na gumawa ng resolusyon para bigyang authorization si Chairman na gamitin ang kanilang Internal Revenue Allotment (IRA).

Napagtanto ni Tapawan na gagamitin ng chairman nila ang pitsa para bayaran ang mga supplies tulad ng relief goods, gamot, pagkain ng frontliners, PPEs at iba pa na nai-donate sa kanilang barangay ng pribadong sektor at kapitalistang may malalaking negosyo sa kanilang barangay.

Iginiit ni Tapawan na kung mayroon mang totoong gastusin ang kanilang barangay ay hindi ito aabot sa P13 milyon. Sinita rin umano siya ni De Leon sa mga “pagdududa” niya sa mga gastusin ng barangay para sa COVID. Araguuuyyyy! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang talaga, ‘no mga kosa? Tumpak!

Ayon kay Tapawan, hindi naman siya hahadlang kung ang ilalabas na pitsa ng barangay, maliit man o malaki, ay para tugunan ang pangangailangan ng mga residente sa sakop nila, lalo na ang gamot at iba pa sa panahon ng pandemya. Kaya lang, dapat ay naaayon ito sa tamang proseso para wala silang sabit.

Si De Leon ay dating konsehal ng Taytay at mukhang maraming reklamo na ibinabato sa kanya nitong nagdaang mga araw. Kung sabagay, hindi na bata si De Leon at sa tingin ko alam na niya ang tama o mali. Kapag naligaw siya ng landas, tiyak sa kangkungan siya dadamputin, di ba mga kosa? Araguuyyyy! Hindi pa huli ang lahat para magbago si De Leon. Abangan!

 

vuukle comment

RIZAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with