Another politically correct Kenkoy, spotted!

Isa na namang kenkoy na politically correct spotted.

Ang isyu, resultang  lumabas sa pag-aaral ng Commission of Human Rights at ng Australian National University kamakailan.

Lumalabas, karamihan sa mga Pilipino ay sang-ayon sa “death penalty.” Positibo ang mga Pinoy na ibalik ang bitay partikular sa mga karumal-dumal na krimen.

Subalit may kolokoy, isang taga-akademya na agad sinopla ang say ni Juan dela Cruz.

Aniya, damdamin o emotion ang pinaiiral ng mga sumang-ayon at hindi kaalaman o knowledge.

Ang ibig sabihin nitong si Propesor, karamihan daw sa mga Pinoy na naniniwala sa death penalty­ ay hindi nag-iisip. Kulang na lang sabihin ay salat sa kaalaman ang pumapabor dahil emosyon ang pangunahing ipinaiiral, kulang sa discernment.  

You can tell that to the marines, Prof! Dito sa espasyo ko, bibigyan ko ng konting timpla ang iyong mapait na pananalita na nag-iwan ng masamang panlasa sa marunong ding mag-isip tulad ko.

‘Yung mga kontra sa death penalty, ang masasabi ko lang ay mahaba ang pisi – highly tolerant sa mga gumagawa ng krimen na wala ng pagbabago.

Puwede ring sabihing dismissive dahil sa pananaw nila, ang mga kriminal na gumawa ng karumal-dumal na krimen ay kailangang intindihin at bigyan ng pagkakataon.

Pambabalewala sa totoong kalagayan ng komunidad na parang sa kanila ay kabahagi ng lipunan ang mga masasamang loob. Kung may mamamatay tao, may mamamatay, kung may kriminal, eh di may mabibiktima.

Hindi lang naman kasi ikaw at mga kauri mo sa akademya na kumukontra sa death penalty ang may karapatan sa kaalaman.

Maling-mali kayong mga kenkoy na nagsasabing emosyon ang mas higit na naging batayan at hindi kaalaman ang pinaiiral ng mga pabor sa death penalty.

Show comments