^

Albularyo

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - October 13, 2020 - 12:00am

AKO at ang mga kasamahang researchers ay nagkaroon ng isang kaibigang misis na taga-roon sa barangay ng isang probinsiya kung saan isinagawa namin ang research. Mga 30 years old si Misis pero ang asawa niya ay 60 years old. No read, no write ang misis na ito. Isang araw ay na-stroke ang mister nito. Naubos ang perang naipon pagkatapos maospital nang ilang araw. Hindi pa gaanong magaling si Mister kaya ikinunsulta pa rin ito ni Misis sa isang albularyo. Nagkataong naroon kami sa bahay at nakikipagtsikahan sa misis nang dumating ang albularyo.

Lihim kaming natawa sa mga diagnosis ng albularyong mukhang manggagantso. Nang umalis na ito ay ipinaliwanag namin sa misis na hindi totoo ang mga pinagsasabi ng albularyo. Ikinagulat namin ang isinagot sa amin:

“Magaling na albularyo si Tata Berto, kaya naniniwala ako sa kanya. Ganyan naman kayong mga may pinag-aralan, hindi bilib sa mga albularyo.”

Hindi na lang kami umimik. Isang araw ay nabalitaan na lang namin na doon sa bahay ni Tata Berto pansamantalang nanirahan ang mag-asawa. Mabuti raw ang ganoon para na nako-close monitor ng albularyo si Mister. Parang Intensive Care Unit (ICU) sa ospital. Nais sana naming pagsabihan ulit si Misis pero napag-isip isip namin na mahirap paliwanagan ang isang mangmang. Isa pa, baka makarating sa albularyo ang aming pagkontra sa kanya, mahirap nang magkaroon ng kaaway sa komunidad na ginagawan namin ng pagsasaliksik.

Madalas naming pinupuntahan ang mag-asawa sa bahay ng albularyo para kumustahin pero isang araw ay na-shock kami sa aming nadatnan. Nakatapis ng tuwalya ang misis at galing doon sa kuwarto ng albularyo.

Ipinagtapat ng misis sa amin na pumayag siyang makipagtalik sa albularyo para hindi na sila singilin sa “albularyo’s fee at barung-barong confinement”. Samakatuwid ay katawan na lang niya ang ginawang pambayad. Simula noon ay hindi na kami nakipagkita kay Misis. Hinayaan na lang namin siya sa kanyang kalokohan. Isa pa’y natakot na kami sa albularyo na kung makatingin ay para bang nanghuhubad.

MISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with