^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (190)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAG-ABANG sa may gate si Jonas at baka may binili lang sa tindahan o sa palengke. Baka may nakalimutang pansahog sa ulam at tumakbo sandali sa palengke.

Pero naisip ni Jonas,  kung nagtungo sa palengke si Ziarah e ‘di sana ay nagpaalam ito sa kanya.

Hindi umaalis ng bahay si Ziarah na hindi nagpapalam.

Labinlimang minuto siyang naghintay sa may gate pero wala pa rin si Ziarah.

Saan kaya nagpunta?

Nagtampo kaya sa kanya?

Pero wala naman siyang alam na maaari nitong ikatampo. At saka kahit kailan, hindi sila nagkakagalit ni Ziarah. Kahit kaunting tampuhan ay wala. Pareho silang maunawain sa isa’t isa.

Nang hindi pa dumating si Ziarah, nagbalik sa loob ng bahay si Jonas. Naupo sa sopa. Binalikan sa isip ang mga huli nilang pag-uusap kanina.

Masaya silang kumain ng almusal. Nagkukuwentuhan sila at nagtatawanan. Pagkatapos ay tinulungan niyang mag­hugas ng pinggan si Ziarah. Matapos iyon, nagbasa na siya ng diyaryo.

Hindi na niya alam kung ano ang ginawa ni Ziarah. Masyado siyang nakatutok sa pagbabasa ng diyaryo sa salas.

Hindi niya alam kung lu-mabas ito ng bahay o nagtungo sa second floor. Pero wala naman sa kuwarto niya.

Nasaan na kaya si Ziarah?

Pinagtataguan kaya siya?

Gumaganti sa ginawa rin niyang pagtatago noon?

Kung anu-ano pa ang naisip ni Jonas.

Nang hindi pa rin lumutang si Ziarah nagtungo si Jonas sa kuwarto niya. Problemado.

Samantala, nakikita siya ni Ziarah na noon ay nasa loob ng aparador. Nakangiti ito habang pinagmamasdan si Jonas.

(Itutuloy)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with