_pang-masa
^

Punto Mo

Ang iingay ng mga ‘to! Hanggang satsat lang naman

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MALAPIT na ang susunod na eleksiyon. Ramdam  na kasi ang mga pulitikong kaliwa’t kanan na at konti na lang ay maski utot papatulan para maging isyu.

Sila ‘yung ang tirada ay champion of the poor,  sila raw ‘yung sumusulong para sa karapatan at lumalaban sa kapakanan ng mahihirap na Pilipino.

Pero ang nakakatawa, kung pakikinggan ang kanilang mga ngakngak – cotton candy, walang laman o saysay. Walang kasusta-sustansiya  dahil wala talagang solusyon at plano para sa isyu.

Ang sentro, epekto lang ng problema at ang bagsak ng sisi, laging sa gobyernong hindi kaalyado. Ayaw tingnan ‘yung dahilan dahil masyado nang matrabaho.

Paano ba naman, ang totoong agenda kasi ay gamitin ang isang problema sa larangan ng pulitika. Bakit? Eh di para maipakita na sila sila ang may concern o pakialam at sila lang  ang may solusyon.

Halimbawa, etong isa sa mga isyu inaangkasan, sinasawsawan at sinasakyan -  mababang presyo ng mga palay na sumadsad sa P12. Sabi ng mga pulitikong nag-iingay tungkol dito, kawawa naman daw ang mga magsasaka natin sa kalagayang ito.

Dapat ganito, dapat ganyan ang gawin ng pamahalaan para hind maging kawawa ang  ating mga magsasaka.

Oo marami na ang naaawa at matagal nang kaawa-awa ang sitwasyon ng magsasaka. Pero may problema, hindi naman focused o priority ng mga pulitiko ang usaping agrikultura.

Maging ang barbero kong si Mang Igme, nagbigay na rin ng kanyang suhestiyon. Importante raw na mamuhunan ang ating bansa sa mga teknolohiyang makakatulong sa industriya ng agrikultura.

Subalit kumambiyo, baka iniiwasan daw ng mga pulitiko’t mambabatas ang ideyang ito dahil wala silang kikitain.

Sino-sino ba ang tinutukoy ko? Pinangalanan ko sila sa aking programang BITAG Live. Uploaded sa YouTube Official.

PILIPINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with