Ganti ng kalikasan
DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - September 30, 2020 - 12:00am

TAON 1893. Honey Grove Texas USA. Bigla na lang nakipag-break si Henry Ziegland sa kanyang girlfriend. Hindi ito matanggap ng babae kaya pinili na lang niyang wakasan ang kanyang buhay.

Sa sobrang sama ng loob sa nangyari sa kanyang kapatid na babae, ang lalaking kapatid  ay sumugod sa bahay ni Henry at binaril ito sa malayuan. Ngunit humaging lang ang bala at bumaon sa malaking puno.

Nakaligtas si Henry sa planong pagpatay sa kanya. Ang kapatid ng ex-girlfriend ay ipinakulong niya hanggang wala nang naging balita dito.

Lumipas ang maraming taon, 1913, kailangang putulin ang malaking puno sa bakuran ni Henry. Matanda na ang puno kaya naging matigas na ito at nahihirapan si Henry sa pagputol nito. Naisipan niyang pasabugin na lang ng dinamita ang puno.

Nang sumabog ang dinamita, ang puno ay nagkadurog-durog at ang bala na matagal nang nakabaon doon ay tumalsik paitaas… saka bumaba direkta sa ulo ni Henry.

Ang punong pinasabog ay ang puno na tinamaan ng bala ng kapatid ng nobyang basta na lang niya iniwan. Ang balang nanahimik nang kay tagal ay muling “nabuhay” upang tumama sa original target.

Namatay si Henry nang oras din iyon.

“If you give a good thing to the world, then over time your karma will be good, and you’ll receive good.”—Russell Simmons

 

USA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with