^

Punto Mo

Maari bang ireklamo ng concubinage ang asawang OFW na may kinakasama sa ibang bansa?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nabalitaan ko po na kaya pala hindi na nagpapadala ng pera ang aking asawa na nagtratrabaho sa ibang bansa ay may kinakasama na pala itong ibang babae doon. Nabasa ko po na concubinage ang kasong isinasampa sa mga lalaking may asawa na may kinakasama ng iba. Maari ko po ba siyang sampahan ng reklamong ito? —Michelle

Dear Michelle,

Tama ka na concubinage ang krimen ng isang lalaking may asawa na may kinakasama ng iba.

Ngunit hindi ibig sabihin nito ay makakapagsampa ka ng kasong concubinage laban sa iyong asawa.

Ayon kasi sa Article 2 ng ating Revised Penal Code, maliban sa iilang mga krimen, mapaparusahan lamang ang mga krimen sa ilalim ng ating batas kung ginawa ito sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Dahil  sa labas  ng teritoryo ng Pilipinas nangyari ang ginawang pakikisama ng iyong asawa sa kanyang kabit, hindi siya mapaparusahan para sa salang concubinage sa ilalim ng ating batas.

Gayunpaman, hindi naman ibig sabihin niyon ay wala ka nang pagkakataon para papanagutin sa ilalim ng ating batas ang asawa mo. Maari mo pa rin namang ireklamo ng concubinage ang inyong asawa sakaling umuwi sila rito ng kanyang babae at manirahan bilang mag-asawa.

Maari mo rin siyang sampahan ng kriminal na kaso sa ilalim ng Republic Act No. 9262 para sa tinatawag na “psychological violence” na idinulot sa iyo ng ginawa niyang pakikiapid. Sa ilalim din ng nasabing batas ay maari mo rin siyang ireklamo ng “economic abuse” para sa hindi niya pagpapadala ng pera.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with