Tigilan muna ang pag-iinarte at nagpi-feeling celebrity

ITONG nagte-trending ngayon sa social media na #drop_your_beautiful_daughter_challenge o #dropyourbeautifuldaughterchallenge, may ilan nang nababahala.

Magagamit daw kasi ang magagandang larawan na ito ng mga batang babae ng mga tinatawag na online predators. Sa BITAG, ang pangambang ito ay hindi na bago.

Ang mga babalang ito ay diretso para sa mga magulang. Sino nga ba naman ang hindi magiging proud kung maganda o guwapo, talentado o gifted ang iyong anak? Bragging rights ito ng kahit sinong magulang.

Subalit ito ang hindi nakikita ng karamihan na para lang makasakay sa uso – the evil of digital and social media into pornography.

 Guilty dito ‘yung mga magulang na feeling celebrity na siya mismong nagtuturong mag-inarte at maging banidoso sa maling layunin ang kanilang mga paslit na anak. Para lang makakuha ng pansin, likes, at hearts sa social media. 

Inirarampa ang kanilang mga anak na parang matanda, inihahalintulad sa isang beauty queen kung i-display. Ang problema, ito ay kapritso lamang ng mga magulang.

Ako, bilang magulang ay magbibigay ng payo’t babala. Do not expose your kid that every now and then for potential danger.

Ang sinasabi ng BITAG, ganoon din ang mga social media experts, ito ay magbibigay ng pagkakataon sa mga nagtatagong predators sa online katulad ng mga pedophile. Ganoon din ang krimeng kidnapping for ransom (KFR).

There is nothing wrong with being proud of our kids. Pero may ibang tao sa lipunan na iba ang tingin at pakay sa mga ibinabalandrang naggagandahang larawan ng inyong anak.

Hindi sa nananakot, subalit kapag hindi nag-ingat, posibleng maging isang target ang anak n’yo.

Show comments