EDITORYAL - âMalaking isdaâ sa âpastillasâ scheme âdi pa nalalambat
EDITORYAL - ‘Malaking isda’ sa ‘pastillas’ scheme ‘di pa nalalambat
(Pang-masa) - September 24, 2020 - 12:00am

MARAMI pa palang sangkot na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa ‘‘pastillas’’ scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Pero ang mga opisyal na ito na umano’y malalaking isda ay hindi kasama sa mga kinasuhan ng katiwalian ng National Bureau of Investigation (NBI) tatlong linggo na ang nakararaan. Ibig sabihin ang mga kinasuhan ay mga ‘‘maliliit na isda’’ lamang.

Sabi mismo ng whistleblower na si Allison Chiong sa pagdinig ng Senado kamakalawa na ang mga kinasuhan ay hindi ang mga tunay na “arkitekto” ng pastillas operation. Wala umano sa 19 na kinasuhan ng NBI ang mga tunay na salarin. Nanawagan naman si Senator Risa Hontiveros sa NBI na pangalanan ang mga sangkot na opisyal ng BI. Sa pagdinig din noong Lunes nabulgar na isang hepe ng NBI Legal Assistance Bureau ang na-entrap ng mga kapwa NBI makaraang hingian ng pera ang mga tauhan ng BI kapalit na hindi na isasama ang mga pangalan ng mga ito sa kakasuhan. Nakilala ang NBI agent na si Atty. Joshua Paul Capiral.

Lumalalim ang isyu sa pastillas operation sa NAIA at habang hinuhukay ay nadaragdagan pa ang mga sangkot. At lumalabas pa nga na ang mga ‘‘malalaking isda’’ ay hindi kasama sa mga kinasuhan. Dapat pa ngang maging agresibo ang Senado para makalkal pa ang nasa likod ng pastillas modus. Kailangang maparusahan ang mga “matatakaw” sa BI.

Nadiskubre ang ‘‘pastillas’’ nang ibulgar ng whistleblower na si Chiong na kaya madaling nakakapasok sa bansa ang mga Chinese na magtatrabaho sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs) ay dahil sa mga corrupt sa kanilang tanggapan. Bawat Chinese umano ay hinihingan ng P20,000 para makapasok nang walang kahirap-hirap. Nangyayari umano ang “pastillas”’ modus sa NAIA Terminal 1 at 3 noon pang 2016.

Tinawag na “pastillas” ang modus ng mga corrupt na BI officials dahil ang perang ipinangsusuhol sa kanila ay binibilot na hawig sa matamis na pamsalubong na “pastillas. Ilan sa mga kinasuhan ng NBI sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ay sina Grifton Medina, senior Immigration officer at Deon Carlo Albao, deputy terminal head sa NAIA Terminal 1. Kabilang din sa mga kinasuhan ang security guard na si Fidel Mendoza na napabalitang may net worth na P7.8 million at isang Liya Wu na may-ari ng isang travel agency na nakipagsabwatan umano sa Immigration officials at nagpo-provide ng pangalan ng mga Chinese POGO workers na paparating sa NAIA.

Halukayin pa ang BI. Lambatin pa ang “malalaking isda” para maputol na ang kanilang katakawan. Huwag maliliit na isda lang ang hulihin.

BUREAU OF IMMIGRATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with