^

Punto Mo

Kabaitan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

KUNG kailan pa naman pandemya saka pa nangyari ang sagutang iyon. May nasabi sa kanya ang isang kamag-anak na may-ari ng bahay na tinitirhan niya nang libre. Nasaling ang kanyang pride, nagtampo siya kaya ura-urada ay nag-impake siya ng kanyang gamit. Tumawag siya sa isang kamag-anak sa probinsiya kung saan naroon ang kanyang bahay.

“Diyan na ulit ako titira. Ayoko na dito. Nakaimpake na ang lahat ng aking gamit ko.”

Matapos ikuwento ang nangyari , biglang bumuntong-hininga ang kausap sa kabilang linya.

“Naku problema ‘yan, walang public transportation. At saka kailangan mo ng travel pass at resulta ng swab test para ka makauwi dito. Ang swab test fee ay P5,000 na ang pinakamura.”

Nakalimutan ng kanyang kausap sa kabilang linya na “senior” na nga pala siya kaya triple ang kaimposiblehan na makauwi siya sa probinsiya. Napaupo na lang siya sa gilid ng kanyang kama. Sa presyo na lang ng swab test, imposible siyang makauwi.

Nakikitira lang siya sa kamag-anak sa Maynila. Nagkasagutan sila ng kamag-anak na ‘yun na naging ugat ng sama ng kanyang loob. May isa siyang kamag-anak (kamag-anak 2) na nakatira malapit sa kanyang kinaroroonan pero nahihiya siyang humingi ng tulong. May atraso kasi siya doon.

Minsan ay may hiniling siya kay kamag-anak 2  ngunit siya ay tinanggihan. Nainis siya kaya’t ipinamalita niya sa iba nilang kamag-anak sa probinsiya na masama ang ugali nito. Nag-away sila dahil dito. Bagamat nagkabati na sila, hindi na nila naibalik ang dating mainit na samahan. Kung hindi sana sila nag-away, puwedeng doon muna kay kamag-anak 2  makituloy at magpatulong para makauwi sa probinsiya. Magaling pumaraan ang kamag-anak 2 na iyon.

Kinalaban niya si kamag-anak 2 dahil mahirap lang ito at wala siya masyadong napapakinabangan dito samantalang iyong kamag-anak na kumukupkop sa kanya ay mayaman at daig pa niya ang nakasandal sa pader.

Uwing-uwi na siya sa probinsiya pero wala siyang magawa. Napaiyak siya sa kanyang kawawang kalagayan. Hindi naman siya pinapalayas pero kahiyaan na. Siya pa kasi ang nagmalaki na kaya niyang mamuhay mag-isa sa probinsiya. Inuna niya ang galit kaya nakalimutan niyang GCQ ngayon sa buong Metro Manila.

Sana ay pinakisamahan niya nang maganda si kamag-anak 2. Sana hindi siya nagmaldita dito. Sa kagaya niyang nag-iisa na sa buhay na walang anak, walang asawa, dapat ay namuhunan siya ng kabaitan sa lahat ng tao. Hindi ‘yung inuuri niya ang dapat pakisamahan. Hayan tuloy…damang-dama niya ang pag-iisa ngayon sa mundo. Kung kailan pa may pandemya.

“Kindness is like watching the sun begin to shine through the clouds after a rainy day.” – RAKtivist

 

vuukle comment

HOUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with