Ang babae sa aparador (181)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - September 24, 2020 - 12:00am

HABANG kumakain, palihim na sumusulyap sa paligid si Ziarah. Anong malay niya na baka dito rin kumakain si Kat. Posible iyon gaya nang nangyari noon na nahuli ni Jonas habang may kasama itong lalaki.

Wala naman siyang nakita.

Mali ang mga naisip niya.

Hindi naman nalingid kay Jonas ang mga lihim na pagsulyap ni Ziarah sa ibang mga taong kumakain.

‘‘Sinong tinitingnan mo, Love?’’ tanong nito.

Sinabi ni Ziarah. Mabuti nang malaman ni Jonas ang totoo.

‘‘Tinitingnan ko kung narito ang babaing nanloko sa’yo.’’

“Si Kat?’’

“Oo.’’

“Wala ‘yun dito, Love. Alam mo ba kung nasaan na siya ngayon?’’

‘‘Nasaan?’’

‘‘Nasa kulungan na siya. Nahulihan ng droga habang papasok sa Hong Kong. Sa rami ng nahuli sa kanya baka mabulok na siya sa bilangguan.’’

‘‘Talaga? Kailan nangyari ‘yun?’’

‘‘Noong isang araw lang. Nabasa ko sa news. Kasama niyang nahuli ang lalaking umumbag sa akin.’’

Tila nabunutan ng tinik si Ziarah.

“Wala ka nang dapat ipag-worry Ziarah. Isa pa wala na talaga akong pagmamahal sa babaing ‘yun. Ikaw na ang totoong mahal ko.’’

Masayang-masaya si Ziarah.

Damang-dama niya.

Pagkatapos kumain, namasyal sila ni Jonas sa loob ng isang mall. Magkahawak kamay silang naglalakad. Parang nakatapak sa ulap si Ziarah.

(Itutuloy)

 

BABAE SA APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with